Dumanas ng malaking pagkatalo si Jimuel Pacquiao sa laban nila ng American boxer na si Chris Smith na ginanap sa Irish Cultural Center, San Francisco, California, noong June 25, 2022.
Ito ay ayon sa Mirror, ang national daily tabloid sa United Kingdom.
Read: Manny Pacquiao, proud sa unang panalo ng anak na si Jimuel bilang amateur boxer
Ang kanyang tunay na pangalan na Emmanuel Pacquiao Jr. ang ginagamit ni Jimuel sa mga amateur fight niya.
Kilalang-kilala siya sa Amerika bilang anak ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, isa sa mga pinakasikat na boksingero sa buong mundo, kaya tinututukan ng boxing fans ang kanyang mga laban.
“Manny Pacquiao’s son Emmanuel has suffered a huge defeat in his fourth” ang headline ng Mirror.
Ibinalita rin nilang tutol ang kanyang ama sa pagpasok niya sa mundo ng boksing.
Tatlo na ang amateur boxing sa U.S. na napanalunan ni Jimuel, pero nabahiran ng pagkatalo ang kanyang undefeated record nang maglaban sila ni Smith.
Nagpakitang-gilas si Jimuel sa pakikipagpalitan kay Smith ng mga suntok pero sa huli, ang American boxer ang idineklarang panalo dahil sa mas mataas na puntos na ibinigay ng mga hurado.
Nakatikim man ng panalo, hindi pinanghinaan ng loob si Jimuel.
Sinabi nito sa panayam ng ABS-CBN na sinusubukan niyang madagdagan ang kanyang mga karanasan para maging isang mahusay na boksingero.
Pahayag ni Jimuel, “At first, I was just quietly going into it and stuff, but I guess it’s unavoidable. I’m trying my best. I have to get used to it.
“I’ve constantly been training. I’ve been training for months [in the U.S.], and this is all I want: get more experience, get better.
“I think we’ll see in the future whether I will turn professional. Right now, I’m just trying to get better, to get more amateur fights, bring my record so we’ll see in the future.”