Hinanap ng mga tao si Irene Marcos-Araneta dahil hindi siya namataan sa oath-taking ceremonies ng kanyang kapatid na si President Ferdinand Marcos Jr. na naganap sa National Museum ngayong Huwebes ng tanghali, June 30.
Read: Here's what the First Family wore at President Bongbong Marcos' inauguration
Hindi tiyak kung dumalo si Irene sa inauguration ng kapatid o hindi, pero wala siya sa lumabas na photo op ng kanilang buong pamilya.
Hindi naman napanood sa isang news program ang reaksiyon ng isang broadcaster habang pinagmamasdan nito ang mga eksena sa inagurasyon ni Marcos Jr.
Sa harap ng kamera, nakangiti ang broadcaster habang nag-uulat tungkol sa panunumpa ni Marcos Jr. bilang ika-labimpitong pangulo ng Pilipinas. Pero off-cam, puro negatibo ang mga komento na kanyang sinasabi.
Nagmistulang basher ang broadcaster nang pintasan nito nang wagas ang isa sa mga bisita sa inagurasyon ni Marcos Jr. dahil naging personal ang kanyang pagbatikos.
Anim na taon manunungkulan si Marcos Jr. bilang pangulo ng Pilipinas kaya anim na taon din ang pagtitiis na gagawin ng broadcaster na hindi maitago ang tunay na damdamin tungkol sa bagong administrasyon.