Trending at umaani ng iba’t ibang reaksiyon ang “belat” photo ng bagong First Lady na si Liza Araneta-Marcos.
Kuha iyon sa panunumpa ng kanyang asawang si President Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas sa National Museum kahapon, June 30, 2022.
Read: Here are the celebrity reactions to the inauguration of President Ferdinand Marcos Jr.
Isa sa mga bumatikos sa kanya ang ang writer/director/actor na si Manny Castañeda dahil hindi umano pumasa sa kanyang panlasa ang inasal ng bagong Unang Ginang.
Puna ni Manny sa kanyang Facebook post ngayong Biyernes, July 1:
“FL Liza Araneta-Marcos should learn to conduct herself properly as First Lady specially in public and important government events. A crash course from Imelda Marcos is advised.
“Nakaka-irita syang panoorin during the inauguration. Chit chatting during the invocation was deplorable. Making faces with the crowd/friends, disgusting. We all know she is an Araneta pero bakit parang wala syang breeding?
"To make matters worst, she wore the worst terno!”

Imbitado sa inauguration ni President Marcos Jr. ang entertainment writer na si Joe Barrameda na malapit sa asawa ng bagong halal na Pangulo.
Siya ang nagbigay ng detalye sa Cabinet Files tungkol sa kuwento ng parang batang pagbelat ng First Lady sa mga kaibigan nitong nag-cheer sa kanya habang nagaganap ang oath-taking ceremonies sa National Museum.
Ayon kay Joe, “Simple pa rin si Liza. Mabuti nga, hindi nagbabago ang kanilang mga ugali.
"Nakalimutan yata nila na First Family na sila kaya normal na normal ang kilos ng kanilang pamilya.
“Teary-eyed si Liza kahapon... Binigyan siya ni Bongbong ng panyo kaya nagpalakpakan ang mga tao.
"Yung mga tao doon, parang mga sosyalerang fans. May mga kaibigan siya na parang kinakantiyawan siya. Nag-cheer sa kanya."
Dito na raw sa puntong ito inilabas ni Liza ang kanyang dila bilang reaksiyon sa mga kumakantiyaw sa kanya.
Ang eksenang ito na nakunan ng litrato ang pinagpipistahan ngayon ng netizens.