Kasabay ng panunumpa ni Ferdinand Marcos Jr. bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas, ilan sa celebrity supporters niya ang nagalak na masaksihan ang simula ng kanyang pamumuno sa bansa.
Read: Ferdinand Marcos Jr. is sworn in as 17th President of the Philippines

Una na rito ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano na dumalo sa inauguration ng Pangulo sa National Museum ngayong Huwebes, June 30, 2022.
Si Toni ang umawit ng Philippine National Anthem, habang si Paul ay nagsilbing creative consultant ng inauguration program.

Sa panayam ng ABS-CBN News kahapon, June 29, 2022, una nang inihayag ni Toni na buo ang suporta niya sa administrasyon ng bagong Pangulo.
"I am truly honored and humbled to be chosen by our new president to sing the national anthem in a very historic event for our country.
"In whatever way and capacity, we will always be there to help him and Tita Liza," sabi ng dating Kapamilya star.

Ang tinukoy ni Toni na "Tita Liza" ay si First Lady Liza Araneta-Marcos. Si Liza ay tiyahin ng mister ni Toni na si Paul.
Sabi ni Paul sa hiwalay na ulat ng The Philippine Star, "We are officially unified. God bless PBBM and God bless the Philippines."
Aktibong sumuporta sina Toni at Paul mula day one ng electoral campaign ni Marcos Jr.

KARLA ESTRADA
Bumati rin si Karla Estrada na kabilang sa celebrity supporters ni Pangulong Marcos Jr.
Bahagi ng caption ni Karla sa kanyang Instagram post: "PAGKAKAISA, PAGKAKAISA. PAGKAKAISA!!!
"MABUHAY PO KAYO MAGAL NA PRESIDENTE AT IYONG BUONG ANGKAN.????????
"MABUHAY ANG PILIPINAS."

BAYANI AGBAYANI and randy santiago
Kasama naman sina Bayani Agbayani at Randy Santiago sa performers sa isinagawang "Pasasalamat Concert 2022" para sa mga sumuporta sa pagkapanalo ng bagong Pangulo.
Sina Bayani at Randy ay naging aktibo sa pagdalo sa sorties ng UniTeam ng tambalan nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte noong panahon ng kampanya.

CESAR MONTANO
Si Cesar Montano, na bukas sa pagsuporta kay Pangulong Marcos Jr., ay abala naman sa shooting ng pelikulang Maid In Malacañang.
Ginagampanan ni Cesar ang papel bilang Ferdinand Marcos Sr., habang ang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga ay gumaganap bilang Marcos Jr. sa parehong pelikula.
Nagbigay ng update si Cesar na day two na ng kanilang shooting.

VIVIAN VELEZ
Hindi man niya ikinampanya si Pangulong Marcos Jr., nagpaabot ng mensahe si Filipino Academy of the Philippines director general Vivian Velez na susuportahan niya ang current administration.
Nag-post din si Vivian ng throwback photo kunsaan kasama niya si Marcos Jr.

RUFFA GUTIERREZ
Nagpaabot din ng congratulatory message si Ruffa kay Pangulong Marcos Jr. at nagbahagi ng screenshot ng livestream ng inauguration.

Tinawag din ni Ruffa na "Madamme" si dating First Lady Imelda Marcos, ang ina ng Pangulo.
Si Ruffa ang gumaganap na Imelda Marcos sa Maid In Malacañang, isang pelikula tungkol sa mga huling araw ng pamilya Marcos sa Malacañang bago sila inilikas sa Hawaii dahil sa makasaysayang EDSA Revolution.

QUARK HENARES
Sa kabilang banda, ang producer-director na si Quark Henares ay nagpahaging ng lungkot niya ngayong inauguration day ni Marcos Jr.
Walang binanggit na pangalan si Quark, pero aalis daw muna siya ng bansa sa ngayon.

AGOT ISIDRO
Si Agot Isidro ay may matalinhagang mensahe para sa kanyang mahal na Pilipinas.

MARK BAUTISTA
May maiksing thank-you message si Mark Bautista para kina outgoing President Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.
Para kay Pangulong Marcos Jr., ani Mark, "Congratulations to our new President his Excellency Ferdinand E. Marcos Jr. Mabuhay ang Pilipinas."

