PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First Lady victory party to match Malacañang inaugural dinner

Kaabang-abang ang "surprise finale" ng First Lady.
by Jojo Gabinete
Published Jul 1, 2022
sanya lopez gabby concepcion
Ngayong Biyernes ng gabi, July 1, ang pagwawakas ng feel-good Kapuso primetime series na First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Ferdinand Marcos Jr.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

Pinaalala ni Sanya Lopez sa viewers na abangan ang "surprise finale" ng First Lady, ang feel-good primetime drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan niya.

Ngayong Biyernes ng gabi, July 1, 2022, ang pagwawakas nito.

“Ito na nga ba talaga ang wakas?” tanong ni Sanya, na tila pahiwatig na posibleng magkaroon ng Season 3 ang First Lady na nananatiling mataas ang ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang huling gabi ng First Lady ang isang halimbawa na may katotohanan ang kasabihag "art imitates life."

Naganap kahapon, June 30, ang inagurasyon kay President Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong pangulo ng bansa.

Read: Here are the celebrity reactions to the inauguration of President Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito, isang victory dinner ang idinaos sa Malacañang Palace kagabi.

ferdinand marcos jr. inaugural dinner invitation

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong gabi, July 1, ang victory party para sa bagong halal na pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Glenn Acosta (Gabby Concepcion) ang imbitasyon na inilabas ng GMA-7 para sa huling kabanata ng First Lady.

Maikukumpara ito sa nangyari sa Malacañang noong Huwebes ng gabi.

first lady victory party

Tiniyak ni Sanya at ng cast members ng First Lady na mami-miss nila ang bawat isa dahil sa pagtatapos ng kanilang programa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malalim ang nabuo na pagkakaibigan sa mga artista ng First Lady, lalo na nang magkasama sila sa matagal na lock-in taping.

“Grateful ako na nakasama ako sa show na 'to,” pahayag ni Francine Prieto nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Biyernes.

“Napunta ako sa maayos na production group at grateful din ako na magkaroon ng friends from the cast members and the glam team.

“Salamat sa aming talent coordinator na si Ate Malou for remembering me and, lastly, maraming salamat GMA 7,” mensahe ng pasasalamat ni Francine sa kanyang mga kasamahan sa First Lady.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong Biyernes ng gabi, July 1, ang pagwawakas ng feel-good Kapuso primetime series na First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Ferdinand Marcos Jr.
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results