Watch Now

Tatlong sinehan ng Starmall, gagawing studios ng AMBS

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2022
willie revillame starmall
Isa sa tatlong studios ng AMBS ang ookupahan ng Wowowin Tutok To Win, ang magbabalik-primetime na game at public service program ni Willie Revillame.
PHOTO/S: YouTube

Nagsimula ang clearing operations sa tatlong malalaking sinehan sa 3rd floor ng Starmall sa kanto ng EDSA at Shaw Boulevard, Mandaluyong City, noong Sabado, July 2.

Dito itatayo ang television studios ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ang broadcast network na pag-aari ng pamilya ni former Senate President Manny Villar.

Nakatakdang magbukas ang AMBS sa September 2022.

Read: Willie Revillame: "AMBS will be on air by September."

Si Villar ang pumili sa Starmall para maging tahanan ng AMBS.

Gustung-gusto ni Willie Revillame ang desisyon ni Villar dahil higit na makikinabang ang mga manonood na hindi na mahihirapan sa pagpunta sa studio ng mga programa ng network.

Bukod sa karugtong ng MRT-Shaw Boulevard station ang Starmall, madali itong mapupuntahan ng mga tao sa anumang oras dahil sa lahat ng klase ng mga pampublikong transportasyon tulad ng mga bus at jeepney.

Isa sa tatlong studio ng AMBS ang ookupahan ng Wowowin Tutok To Win, ang magbabalik-primetime na game at public service program ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa naman para sa bagong noontime show ng network.

Magandang balita ito dahil marami ang mga showbiz personality at maliliit na manggagawa sa telebisyon ang mabibigyan ng trabaho.

starmall clearing operations

Ibinigay ng AMBS management ang lahat ng kahilingan ni Willie, na nagsisilbing mukha ng network, kaya maaasahang isang state-of-the art ang studio ng Wowowin Tutok To Win na may 700-seating capacity at lalagyan ng giant LED screens, LED floor, at robotic cameras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Willie ang nagmamay-ari sa titulong Wowowin: Tutok to Win kaya malaki ang posibilidad na ito pa rin ang gamitin niyang pamagat ng kanyang programa sa AMBS.

Mauuna ang paglulunsad ni Willie sa Will mobile app bago ang grand launch ng TV show niyang mapapanood mula sa Starmall Studio ng AMBS.

Tatagal ng pito hanggang sampung araw ang clearing operations sa tatlong sinehan ng Starmall.

Kapag natapos ito, uumpisahan na ang konstruksyon sa mga studio ng network na magbubukas sa September 2022.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa tatlong studios ng AMBS ang ookupahan ng Wowowin Tutok To Win, ang magbabalik-primetime na game at public service program ni Willie Revillame.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results