PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ella Cruz pleads to netizens to spare her family from bashing

"Bash me all you want PERO WAG NIYONG IDADAMAY PAMILYA KO."
by Jojo Gabinete
Published Jul 7, 2022
Ella Cruz bullying
Ella Cruz, umalma sa pandadamay ng mga basher at kritiko sa kanyang ama kaugnay ng kinasasangkutan niyang "history is like tsismis" issue.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram

Umapela si Ella Cruz na huwag idamay ang kanyang pamilya sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Dumaranas ng kaliwa’t kanang mga batikos ang 25-year-old actress nang magbitaw siya ng pahayag na may kinalaman sa pelikulang ginagawa niya, ang Maid in Malacañang.

Sa isang interview ni MJ Marfori kay Ella para sa One PH ng Cignal TV Entertainment, inusisa si Ella tungkol sa pamilya Marcos.

Tanong ng TV5 entertainment reporter: "Upon accepting the project, siyempre meron ka nga ‘no pinag-usapan sa school, di ba, sa mga Marcoses at kung anu-ano pa. Ano ang punto de bista as an actress? Ano ang point of view mo?”

Bahagi ng sagot ni Ella: “History is like a chismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history. Andoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re alive. At may kanya-kanyang opinion. I respect everyone’s opinion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinuligsa at iwinasto ng mga taong hindi pabor sa paniniwala niya ang pahayag na ito ni Ella.

Nasaktan si Ella dahil idinamay ng detractors niya ang kanyang ama na si Tantan Cruz.

Kumandidatong mayor ng Angat, Bulacan ang ama ni Ella nitong nakaraang eleksyon, pero natalo ito. 731 lamang ang bilang ng mga boto na nakuha nito.

Sinagot ni Ella ang isang post kung saan pinataaman ang pagkatalo ng kanyang ama sa eleksyon matapos nitong ipagtanggol ang anak mula sa bashers.

Nakasaad dito: “Nagsalita na yung tatay ni Ella Cruz yung naka-2% lang noong eleksyon.

"Kaya hindi umabot ng isanglibo ang bumuto kc ang turo mo wag masyado matalino sa school

"ang kailangan ng bayan natin ay matalino na kayang solusyonan ang mga problema ng bayan."

Pakiusap ni Ella sa netizens: “Bash me all you want PERO WAG NIYONG IDADAMAY PAMILYA KO

"Have a little humanity, please."

ella cruz post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ang "history is like tsismis" issue na kinasasangkutan ngayon ni Ella ang unang pagkakataong naranasan niyang maging biktima ng bashing at bullying.

Noong February 2022, inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang kuwento ni Ella tungkol sa bullying experiences nito noong high school student pa lamang siya.

Pahayag niya, "To be honest, yung high school talaga ang pinakamagulo na parte ng buhay ko, isa sa mga magulong parte ng buhay, kasi dun ko na-experience na ma-bully ako.

"Siguro kung magtatanong kayo kung ano po yung mga na-bully sa akin, yung isa is maliit ako.

"Tapos, laos na artista raw ako kapag wala akong projects, sinasabihan ako ng mga ganoon."

Naranasan daw niyang masampal, kahit wala siyang masamang ginagawa.

"Sinasabi nila na nakakapasa lang kasi binabayaran ko raw yung mga teacher dahil lagi akong absent

"One time, I’m just walking sa hallway, biglang kinorner po ako ng mga kaklase tapos bigla nila akong sinampal, out of nowhere, na walang reason talaga. Na-experience ko po yun."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ella Cruz, tinawag na "laos" at sinampal nang walang dahilan ng high school classmate

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz, umalma sa pandadamay ng mga basher at kritiko sa kanyang ama kaugnay ng kinasasangkutan niyang "history is like tsismis" issue.
PHOTO/S: @ellacruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results