Watch Now

Magnitude 7.3 earthquake, lumikha ng malaking pinsala sa Bangued, Abra

by Jojo Gabinete
Jul 27, 2022
bangued abra earthquake
Ito ang ilan sa mga kuhang larawan ng taga-Bangued, Abra na si Veronica Apaling na nagpapakita ng pinsalang idinulot ng magnitude 7.3 earthquake na tumama sa Northern Luzon at sa Metro Manila ngayong July 27, 022.
PHOTO/S: Courtesy of Veronica Apaling

Wala nang kuryente at tubig ang mga residente sa Bangued, Abra, ang sentro ng magnitude 7.3 earthquake na nangyari nitong Miyerkules ng umaga, July 27, 2022.

Read: Bantay Bell Tower sa Ilocos Sur, nasira dahil sa malakas na lindol

Nagpadala ang ating kababayan na si Veronica Apaling ng Bangued sa Cabinet Files ng mga video at larawan ng mga bahay, tulay, at kalsadang napinsala ng malakas na lindol.

“Wala na po kaming kuryente at tubig. Mahina na rin po ang signal ng wifi.

"May mga building na natumba at mga pader na gumuho.

"May aftershocks pa po hanggang ngayon. Nasa tatlumpong beses na po ng aftershocks ang nararamdaman namin," pahayag ni Veronica sa Cabinet Files.

Ayon kay Veronica, pinauwi na ang lahat ng mga trabahador sa kanya-kanyang tahanan dahil sa natural na kalamidad na tumama sa bayan nila at nag-iwan ng malaking pinsala.

“Pinauwi na po lahat. Babalik po sana kami pero isinara na po ang mga daan dito dahil natibag po ang tulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay naman po ang mga anak ko pero sobrang takot na takot sila. Ang nanay ko, tumaas ang blood pressure,” dagdag na kuwento ni Veronica tungkol sa nakakatakot na karanasan ng mga residente ng Bangued.

Video: Courtesy of Victoria Apaling, Edit: Rommel Llanes.

Sakay ng helicopter, agad na lumipad sa Bangued si DSWD Secretary Erwin Tulfo para tingnan ang mga pinsalang iniwan ng malakas na lindol.

Sinabi ni Tulfo na tatlong tulay ang nasira, pitumpo (70) ang bilang ng mga nawasak na bahay, at dalawampung (20) gusali ng pamahalaan sa Abra ang apektado ng lindol.

Sampung milyong piso at isang libo na food boxes para sa evacuees ang ipinadala ng DSWD sa mga biktima ng lindol sa Abra habang paparating na ang 10,000 food packs mula sa regional warehouse ng Cordillera Administrative Region.

As of 11:30 a.m., isa ang namatay at apatnapu’t apat (44) ang sugatan sa Abra dahil sa lindol.

Nagpaplano ring pumunta sa Abra si President Ferdinand Marcos Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglabas muna siya ng mensahe para sa mga biktima at nagdaraos ngayong hapon ng press briefing sa Malacañang Palace.

Pahayag niya, “Ngayong umaga, sa oras na 8:43, tayo'y nakaranas ng isang lindol na may lakas na magnitude 7.3. Ang mga ulat ng mga ahensiya at ng mga lokal na pamahalan sa mga lugar na napinsala ay patuloy na dumarating sa ating tanggapan.

“Sa kabila ng nakalulungkot na mga ulat tungkol sa pinsalang dulot ng lindol, ating sinisigurado ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng sakunang ito."

Dagdag pa niya sa wikang Ilokano, “Kadagiti kakailiak nangruna ta Abra, agridamtayo ken umasideg kadagiti kameng ti gobyerno no agkasapulan iti tulong. Agmaymaysatayo a bumangon manipud kadaytoy a pannubok.

"Mag-ingat po tayong lahat."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ito ang ilan sa mga kuhang larawan ng taga-Bangued, Abra na si Veronica Apaling na nagpapakita ng pinsalang idinulot ng magnitude 7.3 earthquake na tumama sa Northern Luzon at sa Metro Manila ngayong July 27, 022.
PHOTO/S: Courtesy of Veronica Apaling
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results