Si Arron Villaflor ang former Kapamilya actor na lumipat sa Viva Artists Agency dahil sa kanyang kagustuhang huwag mawalan ng trabaho.
Opisyal na ipinakilala si Arron bilang bagong contract star ng talent management arm ng Viva Entertainment ngayong Huwebes nang gabi, July 28, 2022.
Pero iginiit niyang wala siyang tampo sa ABS-CBN o sa Star Magic na dating namamahala sa kanyang showbiz career.
Read: Arron Villaflor, hindi alam kung bakit tinanggal sa Ang Probinsyano
Pahayag ni Arron, “Nabigyan lang tayo ng pagkakataon at naniniwala ako sa timing.
"I guess, hindi lang naman ako yung nahiwalay o nawala sa ABS-CBN. Ayoko lang mabakante.
"I am not getting any younger. I’m thirty-two, so sobrang excited ako sa lahat ng projects na puwedeng dumating para sa akin.
"At yung tampo, never akong nagtampo sa mga nakatrabaho ko.
“It’s just that gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho. It just so happened na hindi tayo nabigyan ng pagkakataon noong pandemic kasi lahat hirap naman talaga.
“Pagdating sa shooting, sobrang nagkaroon tayo ng mga limitation, so I decided to think, and I decided to transfer kung saan may work na available.”
Hindi naman nawalan ng mga ginagawa si Arron noong kasagsagan ng coronavirus pandemic dahil sa mga negosyong pinagtuunan niya ng pansin.
“Lahat tayo nahirapan noong pandemic. Hindi lang ako siguro sanay na walang ginagawa. Pero sa struggles na yun, naging busy na lang ako sa ibang mga bagay.
“I opened a new salon in Tarlac. I have my real estate so let’s be thankful na rin we’re alive at may mga pagkakataon tayo na ganoon.”
Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Arron sa bagong kabanata ng kanyang acting career dahil sa mga proyektong gagawin niya sa Vivamax.
Isa si Arron sa mga bida sa Wag Mong Agawin Ang Akin na hudyat ng pagganap niya ng daring roles, pero may mga limitasyon siya.
“Magpapaseksi, yes! Frontal [nudity] , hindi ko makakaya ang frontal but sexy, hundred percent.
“I already laid my cards so i-expect niyo ang mga project ko under Viva will be intense. So exciting, di ba?”