Alam sa local showbiz industry na si Leo Martinez ang ama ng panganay na anak ni Cherie Gil na si Jay Eigenmann, pero ikinagulat pa rin ng mga ordinaryong Pilipino na huli sa balita na may relasyon noon ang dalawa at nagbunga ang kanilang pagmamahalan.
Mula nang bawian ng buhay si Cherie sa New York City noong August 5, 2022, nagkaroon ng interes ang publiko na malaman ang mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay.
- Mga makulay na kuwento sa likod ng iconic line ni Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning
- Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59
- Sharon Cuneta sits by bedside of Cherie Gil at her last moments
- Dina Bonnevie mourns death of "friend, sister, mentor" Cherie Gil
- Sid Lucero, Sunshine Cruz, Jon Lucas, other celebrities pay tribute to Cherie Gil
- Vilma Santos, Mikee Cojuangco, Atom Araullo saddened by Cherie Gil's death
Hindi inililihim nina Cherie at Leo ang kanilang nakaraan.
Sa katunayan, sinusubaybayan nina Leo at Jay ang Instagram account ng isa’t isa.
May dalawang anak naman si Cherie sa kanyang ex-husband na world renowned Israeli violinist na si Rony Rogoff—sina Bianca at Raphael.

U.S.-based din sina Bianca at Raphael gaya ng love child nila Cherie at Leo.
MORE PEOPLE REMEMBERING CHERIE
Ang kapatid ni Gary Valenciano na si Gina Valenciano ang asawa ni Leo, at kabilang siya sa mga nagpahayag ng pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng 59-year-old actress.
"No more pain…rest well dear Cherie," ang Instagram post ni Gina noong August 5.

Ipinagluluksa rin ni Jaclyn Jose ang pagkawala ni Cherie.
Ramdam ang lungkot ni Jaclyn sa Instagram post nito na may larawan ni Cherie at may simple caption na "My Cherie!"

Ang kapatid ni Cherie na si Mark Gil ay dating karelasyon ni Jaclyn. Anak nina Jaclyn at Mark si Andi Eigenmann.
Ang ex-partner ni Mark Gil na si Irene Celebre ay naghayag din ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie. Anak nina Irene at Mark ang aktor na si Gabbi Eigenmann.
Ibinahagi ni Irene ang mga litrato nila ni Cherie na kuha mula sa Problem Child.
Isang throwback picture ang larawan dahil karga ni Irene si Gabby, na halos dalawang taon pa lamang ang edad nang lumabas sila ng kanyang ina sa Problem Child.
Ang Problem Child ang launching movie ni Cherie noong 1980.
"Thank you so much for the time we spent together Cherie! You will always remain in our hearts. May you rest in peace," ang mensahe ng pamamaalam ni Irene kay Cherie.

Si Sid Lucero ang nagkumpirma noong Biyernes ng gabi, August 5, sa GMA-7 News tungkol sa pagpanaw ni Cherie.
Anak si Sid ni Mark sa former model na si Bing Pimentel at mga kapatid niya sa ama sina Gabby at Andi.
