Watch Now

Jobelle Salvador, binatikos dahil sa "kamukha ng namamalimos" comment sa picture ni Agot Isidro

by Jojo Gabinete
Aug 8, 2022
jobelle salvador agot isidro
Jobelle Salvador (left) on getting bashed after unflattering comment about Agot Isidro's (right) photo: "According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

Nabulabog ang tahimik na pamumuhay ng inactive actress na si Jobelle Salvador dahil sa pag-uusisa nito tungkol sa Facebook post na kanyang nakita noong August 5, 2022.

Nakasaad sa Facebook post niya: “Si Agot ba ito?? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nu’ng namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga..no offense but is this really her?”

Kalakip nito ang larawan ng singer-actress na si Agot Isidro.

Read: Agot Isidro to trolls saying her face is "walang kwenta... abnormal": "Ganda ka?"

jobelle salvador post

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi umano inakala ni Jobelle na ang pagtatanong nito ang magiging dahilan para makatanggap siya ng mga batikos mula sa mga taong nakikisimpatiya kay Agot.

Dahil dito, binura niya ang kanyang Facebook post.

Pero may buwelta siya sa mga bumabatikos sa kanya.

Sagot niya kahapon, August 7: “I don’t need you to comment on this kasi ide-delete ko lang kayo. I don’t need to know your opinion kung kokontra lang kayo at manggugulo.

"Una sa lahat, wala akong pakialam kung wala akong project d’yan sa Pinas dahil bragging aside, $$$ at ¥¥¥ ang kinikita ko mga hunghang!!

“Nakaka-siguro ako na mas masarap ang buhay ko kung ikukumpara niyo ako sa iniidolo niyo…

“Sige na maganda na s’ya, mayaman na s’ya, magaling na artista!! E di wow!! I do respect her as a ‘human being’ and everyone’s opinion on everything.

"Sorry to Agot kung naka-offend ako but that was not my intention…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nayong Lunes, August 8, ibinalik ni Jobelle ang deleted Facebook post dahil, diumano, hindi siya tinatantanan ng mga taong nagagalit sa kanya.

Saad ng aktres, “Ayaw niyo akong tigilan, o sige ito ibabalik ko na. Ito ‘yung ini-issue niyo sa akin e.

"Sa mga hindi nakakaalam, bina-bash ako ng oposisyon just because I wanted to confirm if this was Agot. Binahiran nila ng politika ang pagtatanong ko."

Posibleng ang tinutukoy na "oposisyon" ni Jobelle ay ay mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo at dating Senator Kiko Pangilinan, na hayagang sinuportahan ni Agot nitong nagdaang eleksyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jobelle naman, base sa social media accounts niya, ay sinuportahan ang kandidatura nina President Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Inulit ni Jobelle ang paglalarawan sa litrato ni Agot na "kamukha yung beggar sa C5," ayon daw sa kanyang kaibigan.

Sabi ng dating Viva artist, “According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

It’s obvious that the hate comments are coming from trolls and fake accounts. Just so you know, I keep my account public for a reason and that is because I want the public’s opinion on the subject matter I post unlike other people na ang hilig magpapansin at tumira ng ibang tao pero naka private ang account?!!

“With that said, if you have hateful or negative comments to say, that is your choice and I respect your opinion. I’m not here to make things worst or to cause hatred, but I just simply wanted to know the facts.

“Even now that I know the truth, this is my account, my wall, my rules!!! Therefore, I’m going to repost it. I wonder lang, sa dinadami naman kasing magandang picture ni Agot, ito pa talaga yung napiling ilagay?!!

“Sa mga bashers, sabi nga ni Agot di ba DEDMA IS key bakit galit na galit kayo?!!! Affected?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jobelle ay huling napanood sa ABS-CBN drama series na The Killer Bride.

Si Agot naman ay kasalukuyang napapanood sa Kapamilya primetime series na Flower of Evil.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jobelle Salvador (left) on getting bashed after unflattering comment about Agot Isidro's (right) photo: "According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results