Watch Now

Agot Isidro to trolls saying her face is "walang kwenta... abnormal": "Ganda ka?"

by Rachelle Siazon
Aug 15, 2021
Kapamilya star Agot Isidro on responding to trolls: "Sometimes, I make patol. Because it’s fun."
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Hindi nagpatinag si Agot Isidro sa bashers na umatake sa kanya matapos niyang batikusin ang magarbong wedding gown ni Congresswoman Claudine Diana "Dendee" Bautista.

Si Bautista ay representative ng Drivers United for Mass Progress and Equal Rights party-list.

Natukoy rin si Bautista bilang isa sa 70 kongresista na bumoto na ibasura ang hiling ng ABS-CBN na mabigyan ng panibagong prangkisa noong 2020.

Binatikos si Bautista ng netizens at ilang Kapamilya stars dahil "insensitive" daw ang pagpapakita ng kongresista ng karangyaan habang marami sa constituents nito ang naghihirap dahil sa pandemya.

Binalikan si Agot ng naglipanang bashers sa social media.

"Syempre may pagka abnormal ka kaya...mukha mo pa lang wala ng kwenta," saad ng basher kalakip ng laughing with tears emoji.

Walang display photo ang basher at isa lang ang follower sa Twitter, kaya paniniwala ni Agot ay troll ito.

Balik-sagot ni Agot, "Ganda ka?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang pinuntirya ang pisikal na hitsura ni Agot.

"hahhahaa BABA mo Lola nahaba lalo," tweet ng basher.

Wala ring display photo ang basher na may dalawang Twitter followers.

Buwelta ni Agot, "troll" ang netizen na bumatikos sa kanya.

Tweet ni Agot: "Dami ko ng replies sa yo ha. Masarap na kakainin mo dahil sa ayuda ko. Last na ito. Block na kita ha? Enjoy the rest of the weekend, troll!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa pang female netizen na may 11 followers ang humirit na "inggit" lang daw si Agot kay Bautista.

"hala umarada na naman ang inggit mo gurl? uy, kinatandaan mo na yan, tigilan mo yan!"

Tinawag ding "troll" ni Agot ang female netizen na iyon.

TROLL FARMS

Sa ulat ng GMA News TV public affairs program na Brigada noong 2018, ipinaliwanag na ang troll farms ay isang organisadong makinarya na ginagamit upang magpakalat ng propaganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"White trolls" ang tawag sa users na may pekeng social media accounts at binabayaran para magpakalat ng positive promotion ng isang kliyente.

"Black trolls" ang tawag sa users na binabayaran para mam-bash ng personalidad o organisasyon na kalaban ng kliyente nito.

Ang "entry-level trolls" ay kumikita ng PHP30,000 kada buwan, habang ang mga senior trolls ay maaaring kumita ng PHP50,000-PHP70,000 kada buwan.

"MAKE PATOL FOR FUN"

Sa mga sumunod na tweets ni Agot, idiniin niyang hindi siya apektado sa trolls.

"Sometimes, I make patol. Because it’s fun," ani Agot.

Nag-reply si forensic pathologist Raquel Fortun, "Sometimes I make patol. Because I’d explode otherwise. Or rupture an artery somewhere."

Balik-sagot ni Agot, "True, Doc. pero wag kayo pa-stress sa kanila. di sila worth eeeet. happy rainy Sunday, Doc!!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya star Agot Isidro on responding to trolls: "Sometimes, I make patol. Because it’s fun."
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results