Kasalukuyang nasa ika-siyam na puwesto ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang Codigo Emperor, may English title na Code Name: Emperor.

Ang Code Name: Emperor ay political at spy thriller Spanish movie na pinagbibidahan ng multi-awarded actor na si Luis Tosar at ng Filipina actress na si Alexandra Masangkay.
Spanish national si Alexandra pero hindi siya nagtataglay ng dugong Español.
Bukod sa apelyido niyang Pilipinong-Pilipino, parehong nagmula sa Mabini, Batangas ang kanyang mga magulang na sina Felix at Fhe.
Isinilang at lumaki si Alexandra sa Barcelona. Dahil sa suporta ng Filipino community, hindi niya naranasang maging biktima ng diskriminasyon.
Ang El Hoyo o The Platform ang pelikula ni Alexandra na unang ipinalabas sa Netflix noong March 2020.
Read: Fil-Spanish actress Alexandra Masangkay is part of Netflix film The Platform
Sa Codename: Emperor, ginagampanan ni Alexandra ang papel ng isang kasambahay na may pangalang Wendy Liwanag Reyes, na mahilig manood ng sine at nagkaroon ng relasyon sa intelligence agent (Tosar).
Nagsimula ang streaming ng Code Name: Emperor sa Netflix noong August 12, 2022.
Pinatunayan ni Alexandra ang pagiging Pilipino sa Code Name: Emperor dahil sa kanyang mga eksenang nagsalita siya ng "Sasama ako sa kanya," kuwento niyang pito silang magkakapatid na babae na nagtatrabaho sa Europe para maipatayo ang kanilang bahay sa Pilipinas, at ang pagkanta niya ng katutubong awiting "Bahay Kubo" sa bed scene nila ni Tosar.
May mararamdamang pagmamalaki ang mga Pilipino para sa mga naabot ni Alexandra bilang aktres sa Spain kapag napanood nila ang Code Name: Emperor, na opening film ng 25th Malaga Spanish Film Festival noong March 18, 2022.
Pinupuri ng film critics ang Code Name: Emperor dahil para sa kanila, isang well-made movie ang pelikula nina Luis at Alexandra na, diumano, may lousy title pero smart script.