Watch Now

Evergreen tree sa bahay ni Ali Sotto sa Spain, ipinangalan sa yumaong anak na si Miko Sotto

by Jojo Gabinete
Aug 17, 2022
miko sotto tree
Ali Sotto: "Last month, my husband had a chance to visit our house in Conde de Orgaz. There standing tall, silhouetted against the dying afternoon sun, was our beautiful, majestic Miko tree!"
PHOTO/S: @alisotto on Instagram

Labing-walong (18) taon na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay ang young actor na si Miko Sotto dahil sa isang aksidente.

Nahulog siya mula sa balcony ng condominium building na kanyang tinitirhan sa Mandaluyong City noong December 29, 2003.

Labis na dinamdam ng ina ni Miko na si Ali Sotto ang pagkamatay ng kanyang 21-year-old son pero nananatili itong buhay sa puso at alaala niya.

Read: Ali Sotto on her late son Miko's coming 10th death anniversary: “My tears are a celebration of my love for Miko.”

Ngayong Miyerkules ng gabi, August 17, 2022, ibinahagi ni Ali sa pamamagitan ng Instagram at Facebook ang kuwento tungkol sa puno ng evergreen sa bahay nila ng kanyang asawa, ang retired diplomat na si Omar Bsaies, sa Conde de Orgaz sa Madrid, Spain.

Pinangalanan ni Ali na "Miko" ang evergreen tree na simbolo at pagpapatunay ng katatagan at katapangan ng isang ina na nawalan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapansin sa mga larawang ibinahagi ni Ali na mas mataas pa sa tahanan nila ang Miko tree na tila inaabot at hinahalikan ang kalangitan.

Ito ang heartwarming at moving story ni Ali tungkol sa Miko tree na humaplos sa puso ng mga nakabasa sa kanyang testimonya:

“After our son died in December 2003 we didn’t have it in us to celebrate Christmas.

"Not until six years after did we set up a live evergreen to light up and hang tinsel from. And only because we had his brother and sister, father and stepmom staying with us in Madrid at that time and we felt the need to spread the holiday cheer.

“After they left, we transferred the tree from pot to the ground, and named it our Miko tree.

“Last month, my husband had a chance to visit our house in Conde de Orgaz. There standing tall, silhouetted against the dying afternoon sun, was our beautiful, majestic Miko tree!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If only everyone knew that it has a story to tell - that it is a testament to the strength and courage of every mother who has ever lost a child. That it is a testimony of how through faith, and by God’s grace, her mourning will one day turn into dancing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ali Sotto: "Last month, my husband had a chance to visit our house in Conde de Orgaz. There standing tall, silhouetted against the dying afternoon sun, was our beautiful, majestic Miko tree!"
PHOTO/S: @alisotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results