PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Unang Darna movie ni Vilma Santos, wala nang makitang kopya

Unang Darna movie ni Vilma Santos, wala nang makitang kopya
by Jojo Gabinete
Published Aug 18, 2022
lipad darna lipad
Para sa mga maraming Pilipino, ang trilogy movie na Lipad, Darna, Lipad, na unang Darna project ni Vilma Santos ang pinakamaganda sa lahat ng mga Darna film. May tatlong kabanata ang Lipad, Darna, Lipad at pawang mahuhusay na aktres ang gumanap na kontrabida ni Vilma—si Gloria Romero bilang Babaeng Impakta, si Celia Rodriguez ang Babaeng Ahas, at si Liza Lorena bilang Babaeng Lawin.

Ang social media post ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa litrato niya mula sa pelikulang Darna at Ding, na ipinalabas sa mga sinehan noong February 8, 1980, ang nagpaalaala sa kanyang mga tagahanga na siya ang aktres na pinakamaraming beses gumanap na Darna.

Ang Lipad, Darna, Lipad (1973), Darna and the Giants (1973), Darna vs the Planet Women (1975), at Darna at Ding ang Darna movies na pinagbidahan ni Vilma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vilma Santos gives reminder for actress playing the next Darna

Nasanay ang mga Pilipino sa kulay pulang Darna costume na ginamit nina Anjanette Abayari, Nanette Medved, Angel Locsin, Marian Rivera, at ng ibang mga artistang nagbigay-buhay sa katauhan ni Darna sa pelikula at telebisyon.

Kaya marami ang nagtaka dahil kulay asul ang Darna costume ni Vilma sa larawan nila ni Veronica Jones na inilabas niya sa social media.

Pero sa isang eksena ng Darna at Ding, kulay pula ang pang-itaas at royal blue na pang-ibaba ang costume ni Vilma.

darna at ding

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ito ng ebolusyon ng hitsura at pananamit ng sikat na Pinoy superheroine, na muling napag-uusapan dahil sa bagong Darna TV series na tinatampukan ni Jane de Leon.

Read: ABS-CBN's Darna: Ten years in the making

Para sa mga maraming Pilipino, ang trilogy movie na Lipad, Darna, Lipad, na unang Darna project ni Vilma ang pinakamaganda sa lahat ng mga Darna film.

Pero sa kasamaang-palad, wala nang kopya ang pelikula na produksiyon ng Sine Pilipino at mula sa direksiyon nina Joey Gosiengfiao, Emmanuel Borlaza, at Elwood Perez.

May tatlong kabanata ang Lipad, Darna, Lipad at pawang mahuhusay na aktres ang gumanap na kontrabida ni Vilma—si Gloria Romero bilang Babaeng Impakta, si Celia Rodriguez ang Babaeng Ahas, at si Liza Lorena bilang Babaeng Lawin.

lipad darna lipad

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinalabas ang Lipad, Darna, Lipad sa mga sinehan noong March 23, 1973 at tinutukan naman ng libu-libong Pilipino ang pagpapalabas noon ng pelikula ni Vilma sa telebisyon.

Sa kasamaang-palad, wala nang makitang kopya ng Lipad, Darna, Lipad sa kabila ng paghahanap ng mga movie enthusiast.

May mga kuwentong ipinalabas sa iba’t ibang bansa sa Asya ang Lipad, Darna, Lipad pero, diumano, hindi na ibinalik sa Sine Pilipino ang orihinal na kopya ng pelikula.

Kaya maituturing pa ring mapalad ang Darna, ang unang Darna movie na pinagbidahan ni Rosa del Rosario at itinanghal sa mga sinehan noong May 31, 1951.

rosa del rosario darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2005, inilahad ni Howie Severino sa I-Witness program ng GMA-7 na natagpuan niya sa Thailand ang nawawalang reel o kopya ng 1951 Darna film.

Pero tanging ang mga eksena ni Valentina ang mapapanood sa 40-minute film dahil wala ang mga eksena ni Darna.

darna 1951

Mapapanood din sa YouTube ang black-and-white 1951 Darna movie pero dalawang minuto at dalawampu’t pitong segundo lamang ang haba nito at puro mga eksena lang ni Valentina ang makikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang mga nagmamalasakit sa movie industry na matatagpuan ang orihinal na kopya ng Darna at maibabalik ito sa Pilipinas para ma-restore dahil importanteng pamana sa mga Pilipino ang naturang pelikula.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa mga maraming Pilipino, ang trilogy movie na Lipad, Darna, Lipad, na unang Darna project ni Vilma Santos ang pinakamaganda sa lahat ng mga Darna film. May tatlong kabanata ang Lipad, Darna, Lipad at pawang mahuhusay na aktres ang gumanap na kontrabida ni Vilma—si Gloria Romero bilang Babaeng Impakta, si Celia Rodriguez ang Babaeng Ahas, at si Liza Lorena bilang Babaeng Lawin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results