PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mother Lily Monteverde, gustong mabuhay hanggang 100 years old

Happy Birthday, Mother Lily!
by Jojo Gabinete
Published Aug 19, 2022
mother lily
Regal Entertainment's Mother Lily Monteverde is celebrating her birthday today, August 19.
PHOTO/S: Instagram / Twitter

“My birthday wish is to live up to 100 years old,” sabi ni Mother Lily Monteverde, kasunod ang malakas na halakhak nang itanong ng Cabinet Files ang kahilingan niya para sa kanyang kaarawan.

Ngayong Biyernes, Augut 19, ang kaarawan ni Mother Lily at tikom ang kanyang bibig sa tunay na edad niya.

Pero nagdiwang siya ng 80th birthday sa Crowne Plaza Hotel noong August 19, 2018.

Read: Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano among VIP guests at Mother Lily's 80th birthday

Bumuhos ang mga pagbati ng maligayang kaarawan para kay Mother Lily mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga dating contract star ng Regal Films.

"Wishing her endless love and good health," birthday message ni Regal Entertainment Chief Executive Officer Roselle Monteverde para sa kanyang ina na malaki ang kontribusyon sa Philippine entertainment industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahirap makalimutan ang petsa ng kaarawan ni Mother Lily dahil kasabay ito ng Quezon City Day kaya palaging holiday sa naturang lungsod sa tuwing birthday niya.

Itinatag ni Mother Lily ang kanyang movie company noong 1962 at hanggang sa kasalukuyan, aktibo pa rin sila ng anak niya na si Roselle sa paggawa ng mga pelikula.

Ang Regal Films ang naglunsad sa mga movie career nina Maricel Soriano, Gabby Concepcion, Snooky Serna, William Martinez, Dina Bonnevie, Albert Martinez, at ng ibang mga sikat na artista ngayong tinawag ni Mother Lily na "Regal babies."

Ang Manila By Night, Sister Stella L., Broken Marriage, at ang franchise ng Shake, Rattle & Roll at Mano Po ang ilan sa mga hindi malilimutang mga pelikula ng Regal Films na mula sa malikhaing isip ni Mother Lily.

Ang pagiging dakilang movie fan noong kabataan niya ang nag-udyok kay Mother Lily para pasukin ang negosyo ng paggawa ng mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Buo na ang planong isalin sa pelikula ang makulay na buhay ni Mother Lily pero hindi pa ito natutupad dahil naabutan ng coronavirus pandemic.

Si Judy Ann Santos ang gaganap na Mother Lily sa biopic na pamamahalaan ng multi-awarded director na si Erik Matti.

Read: Judy Ann Santos, gaganap bilang young Mother Lily sa bioflick ng Regal matriarch

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regal Entertainment's Mother Lily Monteverde is celebrating her birthday today, August 19.
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results