Humingi ng paumanhin kay Gab Lagman ang sexy star na si Ayanna Misola dahil hindi nito alam na may limitasyon sa paghuhubad ang kanyang kapareha sa Bula.
Nang kunan ang kanilang love scene, hinubad ni Ayanna ang underwear na suot ni Gab dahil ayon sa kanya, parang natangay siya sa eksena na ginawa nila.
Nang matapos kunan ang kanilang intimate scene, saka lamang nalaman ni Ayanna na limitado ang pagpapakita ni Gab ng hubad na katawan sa harap ng kamera.
“Super professional po si Gab. I think, ang memorable scene ko po with him is yung ending scene.
"Pero ang talagang pinaka-memorable po na nangyari sa amin was accidentally, nahubad ko pa ang brief niya sa first intimate scene na ginawa namin,” pahayag ni Ayanna nang makausap siya ng Cabinet Files.
“Sinabi naman ni Gab ang limitations niya. Hindi ko alam kung nadala ba ako sa scene namin, tinanggal ko ang brief niya.
“Siyempre, ganoon ang alam ko na love scene. First time ko na maka-work si Gab so natanggal ko yung 'limitation' niya pero hindi naman siya nagreklamo.
“Nagulat na lang ako after nang malaman ko na limitasyon pala niya iyon [maghubad ng underwear],” detalyadong kuwento ni Ayanna tungkol sa shooting ng love scene nila ni Gab na ikinagulat ng lahat ng mga tao sa set dahil may limitasyon nga ang paghuhubad ng leading man niya.
Imbes na ipahinto ang shooting dahil hinubad ni Ayanna ang underwear niya, ipinagpatuloy ni Gab ang eksena para hindi maantala ang trabaho nila.
Apparently, naramdaman ni Gab ang mga mangyayari at bilang proteksyon sa sarili, naglagay siya ng plaster sa pribadong bahagi ng kanyang katawan bago kinunan ang eksena.
Kaya kahit nabigla sa ginawa ni Ayanna, ipinagpatuloy niya ang eksena hanggang sumigaw ng cut ang direktor ng Bula.
May “saltik" ang pagsasalarawan ni Ayanna sa karakter nito sa Bula na magugustuhan umano ng Vivamax viewers, dahil kakaiba sa lahat ng mga papel na kanyang ginampanan sa mga nakaraang pelikula niya.
Meldie ang pangalan ng karakter ni Ayanna sa Bula, nagtatrabaho siya sa isang laundry shop at fetish ang pagsusuot ng mga damit na pinalalabhan ng kanyang mga kostumer dahil sa mga sexual fantasy niya.