PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gab Lagman, nabigla nang hubaran ng underwear ni Ayanna Misola

Bula director, hindi alam na si Sharon Cuneta ang kumanta ng "Pangarap na Bituin."
by Jojo Gabinete
Published Aug 20, 2022
ayanna misola gab lagman bula
Dahil nasanay na sa mga intimate scene niya sa ibang kapareha, si Ayanna Misola na mismo ang naghubad ng underwear ng leading man niyang si Gab Lagman sa love scene nila sa Bula. Ikinabigla ito ni Gab dahil may limitasyon siya pagdating sa daring scenes.
PHOTO/S: Vivamax

Nagmarka nang husto kay Gab Lagman ang sexy-thriller movie na Bula dahil sa isang insidenteng nangyari sa intimate scene nila ni Ayanna Misola.

Humingi si Ayanna ng paumanhin kay Gab sa naganap na digital media conference ng Bula dahil hindi niya alam na may limitasyon sa paghuhubad ang kanyang leading man.

Nasanay na kasi siyang gawin yun sa mga aktor na nakapareha niya sa ibang mga sexy movie na kanyang pinagbidahan.

Nang kunan ang kanilang love scene, si Ayanna ang naghubad ng underwear na suot ni Gab kaya nagulat ang mga tao sa set ng pelikula nila.

Ikinabigla ni Gab ang ginawa ni Ayanna, pero itinuloy na lamang niya para hindi magmukhang daya ang eksena nila.

Kuwento ni Gab, “Before yung scene na yun, naka-brief lang ako tapos tinanggal nga ni Ayanna. Pero nag-plaster na po ako just in case.

Sinasabi ko naman kay Direk, para mas gumanda yung scene, sabi ko, okay lang na tanggalin ko na kasi nadadaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung natanggal naman ni Ayanna, itinuloy ko na lang. Nagulat din ako pero itinuloy ko na."

Dagdag pa niya, “If I wanted to do a sexy film, gusto ko kasi na komportable ako at gusto ko talaga yung story.

"Sobrang perfect ang Bula, it’s probably one of the pinakamagaan na set na naka-work ko, especially with Direk and the cast.

“Parang hindi kami nagtatrabaho. Parang ang gaan ng set lagi. Nag-meeting pa kami ni Direk nang one-on-one and pinag-usapan namin yung magiging scenes.

“Sinabi ko naman yung mga limitation ko and nag-go naman siya.

"Pagdating sa set, sobrang komportable ako. Sobrang nae-excite akong mapanood kasi alam kong maganda yung movie.”

"PANGARAP NA BITUIN"

Si Bobby Bonifacio Jr. ang direktor ng Bula, kung saan tampok din si Rob Guinto.

Ang ginamit na theme song ng Bula ay ang "Pangarap na Bituin," ang 1984 hit song mula sa blockbuster movie na Bukas Luluhod ang mga Tala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero malinaw na hindi alam ni Direk Bobby na original song ni Sharon Cuneta, na siya ring bida ng Bukas Luluhod ang mga Tala, ang naturang kanta.

Nang tanungin si Direk Bobby tungkol sa paggamit ng signature song ni Sharon sa Bula, ito ang sagot niya: “Ay, hindi Sharon Cuneta song yun. Ano yun, 'Pangarap Na Bituin.' Hindi yata si Sharon ang kumanta.”

Mali ang sagot ng direktor dahil isa ang "Pangarap Na Bituin" sa mga kantang pinasikat ni Sharon.

Ayon kay Direk Bobby, maganda ang "Pangarap Na Bituin" at akmang-akma ito sa mga damdamin ni Meldie (ang pangalan ni Ayanna sa Bula), sa maraming pagkakataon kaya ginamit na soundtrack ng pelikula ang kanta, na hindi niya alam na si Sharon ang original singer.

Noong March 2022, nag-ingay si Sharon dahil hindi nito nagustuhan ang pagkanta ng "Sana’y Wala Nang Wakas" ni Atty. Salvador Panelo sa mga kampanya nang kumandidato ito bilang senador kaya nakatanggap siya ng mga batikos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

React: Sharon Cuneta, umalma sa pagkanta ni Salvador Panelo ng "Sana'y Wala Nang Wakas" sa kampanya; netizens, nag-react

May mga nag-aalalang baka muling magreklamo si Sharon dahil sa paggamit sa "Pangarap Na Bituin" bilang soundtrack ng Bula.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil nasanay na sa mga intimate scene niya sa ibang kapareha, si Ayanna Misola na mismo ang naghubad ng underwear ng leading man niyang si Gab Lagman sa love scene nila sa Bula. Ikinabigla ito ni Gab dahil may limitasyon siya pagdating sa daring scenes.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results