PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross, idol ng mga nagnanasa sa Vivamax sexy stars

Wilbert Ross, nagtataka kung bakit showbiz crush ng mga gay personality.
by Jojo Gabinete
Published Aug 30, 2022
wilbert ross solo
Wilbert Ross on being the showbiz crush of many gay personalities: “Nakakatuwa siyempre kasi kung iisipin mo, puwede naman Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla… parang napapatanong ako. 'Hala, bakit ako?' in a good way. Nakakatuwa. Masaya ako sa ganoon kasi nag-a-admire sila sa akin."
PHOTO/S: @hashtag_wilbert on Instagram

Natutuwa si Wilbert Ross kapag nalalaman nitong may mga gay personality na siya ang itinuturing na showbiz crush.

Pero hindi niya mapigilang tanungin ang sarili dahil mas marami ang mga artistang nakahihigit sa kanya ang mga katangian.

Saad ni Wilbert, “Nakakatuwa siyempre kasi kung iisipin mo, puwede naman Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla… parang napapatanong ako.

“'Hala, bakit ako?' in a good way. Nakakatuwa. Masaya ako sa ganoon kasi nag-a-admire sila sa akin.

“Ang usual po na mga sagot [nila], more on attracted sila sa singing ko. Kapag nakikita nila yung covers [songs] ko online.”

Gustung-gusto rin si Wilbert ng isang popular gay fashion designer na magiliw na magiliw sa kanya.

Mula nang maging leading man si Wilbert ni AJ Raval sa sex-comedy movie na Crush Kong Curly, nalinya siya sa mga pelikulang nakakatawa pero obligado ang kanyang paghuhubad, tulad nang ginawa niya sa Boy Bastos at sa 5-in-1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilbert Ross accepts "bold star" tag despite flaws in his body

Aminado si Wilbert na gamay na niya ang pagganap sa mga sex-comedy movie kaya nakapagbibigay na rin siya ng mga mungkahi para sa ikagaganda ng mga eksena.

“Medyo nagagamay ko na yung comedy, lalo na yung mga sexy comedy. Magaan na po siya sa akin kapag binibigyan ako ng roles na may comedy talaga.

“Sumasabog yung ideas ko, mga adlib at mga puwedeng gawin mismo sa set."

Nagugulat naman si Wilbert dahil tinatawag na siyang “idol” ng mga nakapanood ng kanyang mga pelikula sa Vivamax.

Lahad niya, “Marami akong nakikitang comments na idol ang tawag nila sa akin.

"Kasi, parang yung mga pinagnanasaan nilang babae sa Vivamax, kumbaga, halos required na dumaan sa akin.

"Pero alam ko naman sa sarili ko na wala lang."

Patuloy ni Wilbert, "May nabasa akong comment na tuwang-tuwa po ako. Papanoorin niya raw ako hindi dahil sa paghuhubad ko but because of my comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May nababasa rin ako na makikita na naman daw yung puwet ko. Para sa akin, okay lang.

“It’s good kasi the main thing about sexy movies is to make the people malibugan. Ibig sabihin, effective ako, so okay lang sa akin.

“Pero ang sinasabi ng mga tao, ang bait daw ng mukha ko. Mukha raw akong virgin. Parang wala raw akong kasalanan sa mundo.”

Ang 5-in-1 ang bagong sex-comedy movie na pinagbibidahan ni Wilbert na tungkol sa isang lalakeng nakipagrelasyon nang sabay-sabay sa limang babae ang kuwento.

Sina Rose Van Ginkel, Debbie Garcia, Ava Mendez, Jela Cuenca, at Angela Morena ang mga kapareha ni Wilbert sa pelikulang mapapanood sa Vivamax simula sa September 23, 2022.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilbert Ross on being the showbiz crush of many gay personalities: “Nakakatuwa siyempre kasi kung iisipin mo, puwede naman Piolo Pascual, Sam Milby, Daniel Padilla… parang napapatanong ako. 'Hala, bakit ako?' in a good way. Nakakatuwa. Masaya ako sa ganoon kasi nag-a-admire sila sa akin."
PHOTO/S: @hashtag_wilbert on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results