Poblacion Girl, naghain ng guilty plea sa COVID-19 quarantine breach

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2022
poblacion girl fire exit
Tumanggi si Gwyneth Anne Chua, aka Poblacion Girl, at ang abogado nitong magbigay ng pahayag sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanila sa labas ng korte nitong Lunes ng umaga, September 5. Pinili ni Chua na magdaan sa fire exit patungo sa sasakyan nilang nakaparada sa basement dahil iniwasan niya ang mga reporter na naghihintay sa kanya.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook

Naghain ng guilty plea ang balikbayang si Gwyneth Anne Chua, na binansagang Poblacion Girl, sa Branch 128 ng Makati City Metropolitan Trial Court, nitong Lunes ng umaga, September 5, 2022.

Si Chua ay sinampahan ng kaso dahil sa paglabag niya sa Republic Act 1132 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Tumanggap si Chua ng kaliwa’t kanang mga batikos nang lumabas siya mula sa Berjaya Hotel at nagpunta sa mga bar at restaurant sa Poblacion, Makati City, para makipagkita sa kanyang mga kaibigan noong December 23, 2021.

Ang Berjaya Hotel ang quarantine facility na tinuluyan ni Chua nang dumating ito sa Pilipinas mula sa Los Angeles, California, noong December 22.

Makalipas ang apat na araw, nagpositibo si Chua sa COVID-19 at ang labinlimang taong nakasalamuha niya sa bar at restaurant sa Poblacion na kanyang pinuntahan.

Related Articles:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni Assistant City Prosecutor Rafael Rodrigo Esguerra na guilty plea ang inihain ni Chua.

Pagbabayarin si Chua ng P20,000 dahil sa paglabag sa Republic Act 1132 at humingi rin siya ng paumanhin para sa kanyang kasalanan na ginawa.

Kasama ni Chua na dumating sa korte ang mga magulang nito na damay sa inisiyal na reklamo dahil ang tatay niya ang sumundo sa kanya sa Berjaya Hotel nang dumating siya mula sa Amerika.

Ang ina naman ni Chua ang naghatid sa akusado nang bumalik ito sa hotel noong December 25, 2021.

Kasali rin sa reklamo ang boyfriend ni Chua na si Rico Atienza dahil sila ang magkasama sa bar at restaurant sa Poblacion na kanilang pinuntahan noong December 23, 2021.

Tumanggi si Chua at ang abogado nitong magbigay ng pahayag sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanila sa labas ng korte nitong Lunes ng umaga, September 5.

Pinili ni Chua na magdaan sa fire exit patungo sa sasakyan nilang nakaparada sa basement dahil iniwasan niya ang mga reporter na naghihintay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumanggi si Gwyneth Anne Chua, aka Poblacion Girl, at ang abogado nitong magbigay ng pahayag sa mga miyembro ng media na nag-abang sa kanila sa labas ng korte nitong Lunes ng umaga, September 5. Pinili ni Chua na magdaan sa fire exit patungo sa sasakyan nilang nakaparada sa basement dahil iniwasan niya ang mga reporter na naghihintay sa kanya.
PHOTO/S: Screen grab from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results