Party girl, trending sa Twitter matapos tumakas sa quarantine facility at magpositibo sa COVID-19

by Jojo Gabinete
Dec 30, 2021
Isang babae na naka-check in sa isang hotel sa Makati City, na accredited quarantine facility, ang tumakas umano upang mag-party. Pagkalipas ng ilang araw ay nagpositibo ang babae sa COVID-19 at nakahawa ng ilang nakasama niya sa party.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Noong January 1, 2021, naging sentro ng kontrobersiya ang City Garden Hotel sa Poblacion, Makati City, dahil dito nangyari ang misteryosong pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Nag-check in si Dacera sa naturang hotel noong December 31, 2020, kasama ang kanyang mga kaibigan para salubungin ang pagpasok ng Bagong Taon.

Bago magpaalam ang 2021, isang hotel sa Makati City, ang Berjaya Hotel, na isang accredited quarantine facility ng IATF, ang nahaharap sa reklamo at kontrobersiya dahil sa diumano’y pagpayag ng management na umalis ng kuwarto ang hotel guest na kinilalang si Gwyneth Anne Chua.

Si Chua ay sumasailalim sa mandatory quarantine matapos dumating sa Pilipinas mula sa Amerika.

Pinadalhan ng Department of Tourism ng show cause order ang general manager ng Berjaya Hotel na si Gladiolyn Biala para magpaliwanag tungkol sa pag-alis ni Chua, na namataan sa isang bar sa Barangay Poblacion.

Nagsimula ang quarantine ni Chua sa Berjaya noong December 22, 2021.

Continue reading below ↓

Nagpunta siya sa bar noong December 23, at nagpositibo sa COVID-19 noong December 27, 2021.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Puyat na itinanggi ng hotel management na lumabas ang female guest mula sa kuwarto nito. Pero matibay ang mga ebidensiya tulad ng screenshots ng mga social media post at CCTV footage na nagpapakita kay Chua na nagpa-party sa Poblacion.

Hindi binanggit ni Puyat ang pangalan ni Chua, pero makikita ang pangalan nito sa show cause order na ipinadala ng DOT sa management ng Berjaya Hotel.

dot show cause order

Continue reading below ↓

Ayon kay Puyat, hawak nila ang mga signed affidavit ng mga saksi na nahawahan ng female guest ng COVID-19.

Pahayag ng DOT secretary, “Maraming signed affidavits kasi sila mismo nahawa ng COVID. And mismo yung babae nagyayabang, may connection daw siya.

“Nag-TikTok pa. Ang malas nun, nag-positive siya on the fifth day and yung mga nakasama niya, nag-positive din.”

Idinagdag ni Puyat na itinanggi ng female guest na tumakas siya sa quarantine pero umamin din sa bandang huli.

Sinabi ni Puyat na responsibilidad ng mga ahensiya ng pamahalaan na sampahan ng reklamo ang mga lumalabag sa quarantine protocols na mahigpit na ipinatutupad.

Aniya, “Nobody is really above the law. Dapat talaga sumusunod. This is a health crisis.

"Dahil sa kapabayaan niya, nahawa niya mga kasama niya at ang mga kasama niya, nakahawa pa ng ibang tao.”

Trending ngayon sa social media si Chua dahil muling inilagay ng netizens ang batas sa kanilang mga kamay. Matitindi ang mga paghuhusga at salitang pinakawalan ng netizens laban kay Chua.

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng kanilang "masusing imbestigasyon," nahanap nila ang mga larawan at lahat ng mga impormasyon tungkol sa babae na isolated sa kasalukuyan dahil positibo sa COVID-19.

Binansagan din ng netizens si Chua bilang "Party Girl" at "Poblacion Girl."

Ikinaalarma ng marami ang tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

Ngayong Huwebes, December 30, nakapagtala ang Department of Health ng 1,623 new COVID cases na halos doble sa 889 cases kahapon, December 29.

Ang lumobong kaso ng COVID-19 ang dahilan kaya hindi napigilan ng DZBB anchor na si Rene Sta. Cruz na mag-rant sa kanyang radio program.

Nanggagalaiti niyang pahayag, “Tumaas na naman ang bilang ng may COVID-19! Kasalanan ito ng mga kababayan nating kung hindi makapal ang mukha, ay tatanga-tanga!

Pasensiya na! Tamaan na ang tamaan! Yun lang ang magagawa natin para makatulong.

"Ang mga Pilipino kasi, masyadong makakapal ang mukha at matitigas ang ulo!"

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang babae na naka-check in sa isang hotel sa Makati City, na accredited quarantine facility, ang tumakas umano upang mag-party. Pagkalipas ng ilang araw ay nagpositibo ang babae sa COVID-19 at nakahawa ng ilang nakasama niya sa party.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results