Willie Revillame, tiniyak na ikagugulat ng lahat ang mga personalidad na lilipat sa ALLTV

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2022
willie revillame hosting
Willie Revillame on ALLTV: ="Ito pong istasyon na ito, hindi magiging madamot. Ito pong istasyon na ito, gagawa ng paraan para maging masaya, maging maligaya, at makapagbigay ng pag-asa. Ito pong ALLTV is also for the newcomers. Sa lahat ng mga nangangarap. Yung merong dream na, 'I want to be a singer. I want to be an actress. I want to be a director.' Nakabukas po ang pintuan ng ALLTV para sa lahat."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Hindi muna sinabi ni Willie Revillame ang mga pangalan ng mga dating Kapamilya, Kapuso, at Kapatid personalities na magiging "Kababayan" ng ALLTV, pero tiyak na ikagugulat ng lahat dahil ikinagulat din daw niya ito.

Read: Sinu-sino ang mga dating Kapamilya at Kapuso stars and news personalities na lilipat sa ALLTV (AMBS 2)?

Ang ALLTV ang broadcast network na pag-aari ng pamilya nina former Senate President Manny Villar at Senator Cynthia Villar. Opisyal itong magbubukas sa araw ng kanilang 47th wedding anniversary sa September 13, 2022.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Inihayag ni Willie sa YouTube at Facebook live streaming ng Wowowin ngayong Lunes ng gabi, September 5, na dalawang house and lot mula sa Vistaland ang ipamamahagi sa pagbubukas ng kanyang bagong home studio na tinawag niyang "network ng bawat Pilipino."

Bukod sa mga house and lot, babaha ng mga pera dahil mamimigay si Willie ng dalawang P25,000 kada-tatlumpong minuto mula alas-dose ng tanghali hanggang 12:30 ng hatinggabi sa mapapalad na kababayan nating tatawagan niya sa telepono.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kailangang masagot ng mga tatawagan niya ang kanyang mga katanungan tungkol sa mga programa, bagong contract stars, at special performers sa kaabang-abang na pagsisimula sa ere ng ALLTV na may slogan na "Sama All, Saya All."

“Hindi ko muna ire-reveal kung sino ang mga kasama natin na artista, mga host, performers. Sasabihin namin ‘yan sa September 13.

"Magugulat kayo kung sino ang aming mga makakasama. Lahat ng ito ay sorpresa,” ang sabi ni Willie, kaya nabitin ang pananabik ng mga gustong malaman ang mga kilalang artista na pumirma ng kontrata sa Prime Asset Ventures Inc., ang parent company ng All Media Broadcasting System at ALLTV.

Patuloy niya, “Sama all, sama-saya tayong lahat. Saya all, magsasaya tayong lahat sa ALLTV, your new network.”

Hindi naman naitago ni Willie ang nararamdamang excitement niya.

“Para malaman niyo lang, minamadali ito. Ang gusto ng ating mahal na senador, former senate president, e, humabol tayo sa Pasko dahil ang gusto niya, araw-araw Pasko!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa totoo lang, hindi po grand launch ang mangyayari sa September 13. Kumbaga, maihabol lang sa Pasko. Makapagbigay tayo ng magandang pamasko.

“Ito pong istasyon na ito, hindi magiging madamot. Ito pong istasyon na ito, gagawa ng paraan para maging masaya, maging maligaya, at makapagbigay ng pag-asa.

“Ito pong ALLTV is also for the newcomers. Sa lahat ng mga nangangarap. Yung merong dream na, 'I want to be a singer. I want to be an actress. I want to be a director.' Nakabukas po ang pintuan ng ALLTV para sa lahat.

“Ang gusto ng Villar family, kapag nag-uusap ho kami, ‘O ano, Willie, bahala ka na.’ Ganoon lang ho sila sa tiwala sa akin.

"Salamat, sobrang salamat sa tiwala ninyo sa akin.

“Ang sarap ho ng feeling. Lahat kami, very excited. Sabi ko, hindi lang sa simula ito. Tuluy-tuloy ito para sa mga kababayan natin.

“Sa hirap na pinagdaanan natin, two years na pandemic, hirap ng buhay, walang trabaho, pumipila para makakuha ng ayuda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi man kami nasa hanay ng gobyerno, kami naman po, e, may sariling kusa at pagmamalasakit sa ating mga kababayan.”

Ibinalita rin ni Willie na magiging reunion nila ng mga dating kasamahan sa Wowowee ng ABS-CBN ang kanyang bagong programa sa ALLTV dahil sa trabaho na ibinigay niya.

“Yung dati naming staff na nawalan ng mga trabaho, yung dating kasama ko sa Wowowee, nabuhay! Nakakatuwa kasi kung saan ho ako nagsimula, magsisimula kami, kasama ko uli sila.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on ALLTV: ="Ito pong istasyon na ito, hindi magiging madamot. Ito pong istasyon na ito, gagawa ng paraan para maging masaya, maging maligaya, at makapagbigay ng pag-asa. Ito pong ALLTV is also for the newcomers. Sa lahat ng mga nangangarap. Yung merong dream na, 'I want to be a singer. I want to be an actress. I want to be a director.' Nakabukas po ang pintuan ng ALLTV para sa lahat."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results