Soliman Cruz, white long sleeve ang suot nang rumampa sa red carpet ng Venice Film Festival

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2022
soliman cruz venice film festival
Soliman Cruz (second from right) with the filmmakers and his co-stars in To The North, an international film which premiered at Venice International Film Festival on September 5, 2022.
PHOTO/S: Courtesy of Ferdy Lapuz

Ang simpleng kasuotan ng award-winning actor na si Soliman Cruz ang napansin ng mga mapanuring mata ng mga Pilipino nang maglakad siya sa red carpet ng 79th Venice Film Festival kagabi, September 5, 2022.

Si Soliman ang lead actor ng international movie na To The North, na nominado sa best film ng Orrizonti (Horizons) section ng prestigious at oldest film festival sa buong mundo.

Read: Soliman Cruz, rarampa sa red carpet ng Venice International Film Festival

Mula sa Pilipinas, dumating si Soliman sa Venice, Italy, noong September 4 ng gabi.

Pero nawala ang maletang naglalaman ng Barong Tagalog at tuxedo na gagamitin niya sana sa red carpet at ibang activities ng film festival na kanyang dadaluhan.

Bagung-bago ang mga damit at sapatos na dala ni Soliman na excited na magsuot ng tuxedo. Pero hindi nangyari dahil sa maletang nawala na hindi pa naibabalik ng mga tauhan ng eroplano na kanyang sinakyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil walang damit na gagamitin si Soliman sa red carpet, ang production staff ng To The North ang mabilis na naghanap at bumili ng white long sleeve polo at ito ang ipinasuot sa kanya.

Wala nang panahon si Soliman na manghiram o maghanap ng barong na magagamit niya sa red carpet dahil maaga ang call time para sa photo call ng lahat ng cast ng To The North at sa screening ng kanilang pelikula sa Sala Darsena kinabukasan, September 5.

soliman cruz venice film festival

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng problema si Soliman sa biyahe nito sa Europe.

Noong March 2021, naiwan siya ng eroplanong sasakyan niya papunta sa Bucharest, Romania, para sa shooting ng To The North.

Sandali lamang ang pananatili ni Soliman sa Venice dahil bukas, September 7, ang kanyang biyahe pabalik sa Pilipinas. Pero walang katiyakan kung makikita pa niya ang bagaheng nawala.

Magdiriwang si Soliman ng 59th birthday sa September 14 kaya gusto niyang mamalagi ng ilang araw sa Italy, pero malabo itong mangyari dahil sa dalawang pelikulamh kanyang gagawin.

Hindi man siya nakapagbakasyon nang matagal sa Italy, ang pagbibida sa To The North at ang mga papuri sa kanyang mahusay na pagganap bilang Filipino sailor ang maituturing ni Soliman na pinakamagandang regalong natanggap para sa kaarawan niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Soliman Cruz (second from right) with the filmmakers and his co-stars in To The North, an international film which premiered at Venice International Film Festival on September 5, 2022.
PHOTO/S: Courtesy of Ferdy Lapuz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results