Soliman Cruz, rarampa sa red carpet ng Venice International Film Festival

by Jojo Gabinete
Sep 5, 2022
soliman cruz to the north
Acclaimed Filipino actor Soliman Cruz is the lead actor of To The North, a best picture nominee in the Orizzonti (Horizons) section of the ongoing 2022 Venice International Film Festival.

Maglalakad sa red carpet ng 79th Venice International Film Festival ang award-winning Filipino actor na si Soliman Cruz ngayong alas-otso ng gabi, Lunes, September 5, 2022 (2 p.m. sa Italy).

Ang acclaimed Pinoy character actor ang bida sa To The North, ang pelikula ng Romanian filmmaker na si Mihai Mincan na nominado sa best film category ng Orizzonti (Horizons) section ng pinakamatandang film festival sa buong mundo.

Maipagmamalaki ng mga Pilipino si Soliman dahil sa official trailer ng To The North at sa mga eksenang ipinakita, hindi maitatangging siya ang pangunahing aktor ng international movie na ipalalabas sa mga sinehan sa 2023.

Inspirasyon mula sa mga tunay na pangyayari ang kuwento ng To The North.

Tungkol ito sa Filipino sailor na si Joel na nakatuklas kay Dumitru, ang Romanian stowaway na nagkubli sa pagitan ng mga container ng translantic ship na pinaglilingkuran niya.

Tinulungan ni Joel si Dumitru na magtago pero ito ang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay, pakikitungo sa mga kasamahan niya sa trabaho, mga kaibigan at maging sa Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Romanian actor na si Nicko Becker, Olivier Ho Hio Hen (Stillwater), at ang kapwa Filipino actor na si Bart Guingona ang mga co-star ni Soliman sa To The North.

bart guingona to the north

Bart Guingona

Pumunta sina Soliman at Bart sa Bucharest, Romania, noong huling linggo ng March 2021 para sa dalawang linggong rehearsals para sa karakter na kanilang gagampanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsimula naman noong April 5 ang shooting nila sa isang barko sa Greece.

Sa panayam kay Soliman ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong March 2021, ikinuwento niyang broken English, Español, at Tagalog ang kanyang mga linya sa To The North.

“Ang location namin, barko lang talaga,” sabi ni Soliman.

Masayang-masaya ang beteranong aktor dahil sa edad na 58, naranasan niyang maging lead actor sa isang international movie.

Pahayag niya, “Siyempre masaya, pero may isa pang pakiramdam na walang salita na puwede kong sabihin. Higit pa sa saya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.

“Kailan ko lang nalaman na ako ang magbibida sa pelikulang ito. Alam mo naman, supporting actor ako, palaging bahagi ng ensemble, support ng lead.

“Nung nasa airport ako sa Manila, may lumapit sa akin na seaman, papunta siya sa Germany.

"Sabi niya, ‘Nabasa ko po na may gagawin kayong pelikula at kayo ang magbibida. Ire-represent mo kami sa pelikulang ‘yan, maraming salamat.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kakausapin ko ang bayan, ako’y naririto para magrepresenta ng mga marinero ng ating bansa at ako’y nagpapasalamat na ako ‘yung napili na bida.”

Read: Ano ang reaksyon ni Soliman Cruz sa pagiging bida sa edad na 58 at sa international movie pa?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Acclaimed Filipino actor Soliman Cruz is the lead actor of To The North, a best picture nominee in the Orizzonti (Horizons) section of the ongoing 2022 Venice International Film Festival.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results