Anthony Taberna, magiging anchor ng primetime news program ng ALLTV?

by Jojo Gabinete
Sep 6, 2022
anthony taberna contract signing
Anthony Taberna (center) with AMBS President Maribeth Tolentino (second from right), AMBS General Counsel Atty. TJ Mendoza (extreme right), AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora (extreme left), and Rossel Taberna (second from left) during the veteran broadcaster's contract signing.
PHOTO/S: ALLTV

Masayang ibinalita ni Willie Revillame sa live streaming ng Wowowin nitong Martes ng gabi, September 6, ang pagpirma ni Anthony "Ka Tunying" Taberna ng kontrata sa ALLTV, ang television network ng All Media Broadcasting System (AMBS).

Read: Former ABS-CBN broadcaster Anthony Taberna inks contract with ALLTV

Tulad ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga, naganap ang contract signing ni Anthony sa Mella Hotel, ang hotel sa Las Piñas City na pag-aari rin ng AMBS owners na sina former Senate President Manny Villar at Senator Cynthia Villar.

Read: Toni Gonzaga and husband Paul Soriano sign up with AMBS 2

Sabi ni Willie, “Kanina ho nagpirmahan na at ano kaya ang programa ni Ka Tunying dito sa ALLTV?

"Abangan niyo po ‘yan dahil makakasama natin si Ka Tunying. Mag-iinterbyuhan kami para malaman niyo kung ano ang programa ni Ka Tunying.

"Magugulat kayo sa iba pang pipirma sa ALLTV.

"Ako po ang unang pumirma sa AMBS management. After nun, si Miss Toni Gonzaga. The third one is Ka Tunying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masinsin na pinag-aralan kung sino yung ika nga ay gusto ng ating mga kababayan na makasama sa bago ninyong istasyon.

"So, Mr. Anthony Taberna, Ka Tunying, welcome to your new family.”

Dating kasamahan ni Willie si Ka Tunying sa ABS-CBN.

Inaasahan ang pagpirma ni Anthony ng kontrata sa ALLTV dahil noong July 15, 2022, namataan siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na nakikipag-usap kina Willie at AMBS President Maribeth Tolentino sa penthouse ng Wil Tower Mall, ilang oras matapos pumirma ng kontrata ang host ng Wowowin sa nabanggit na television station.

Ang kanyang asawa na si Rossel ang kasama ni Ka Tunying nang magpirmahan sila ng kontrata nina Tolentino, AMBS General Counsel Atty. TJ Mendoza, at AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora.

Pahayag ni Tolentino, “We welcome Mr. Anthony Taberna to our family.

"Ka Tunying’s intelligent insights on radio and TV make him one of the trusted news personalities in the country. He gives our public interesting views, news scoops, and entertaining programs, making him fit for ALLTV.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lubos naman ang pasasalamat ni Ka Tunying sa tiwalang ipinagkaloob ng bagong home network niya dahil nangangahulugan ito ng pagpapatuloy ng kanyang television career.

Saad niya, “Thank you po sa pamilya ng AMBS dahil pamilya niyo na ako ngayon. Salamat po sa tiwala ninyo sa akin.

“Alam ninyo, pinag-uusapan nga namin ng aking boss — ang aking misis — kung ano ang maiaambag natin sa larangan ng telebisyon.

“Sabi niya sa akin, 48 years old pa lang naman ako sa January. Kumbaga ay napakamura ko pa lang po para lumisan sa larangan ng telebisyon.”

Hindi pa inihahayag ng AMBS management ang mga programang ibibigay nila kay Anthony, pero may mga haka-hakang isa siya sa mga magiging anchor ng primetime news program ng ALLTV na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 6 p.m. to 7 p.m.

Susundan ito ng Wowowin na may timeslot na 7 p.m. hanggang 8:30 p.m., at matutunghayan naman mula Lunes hanggang Sabado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga espekulasyon ding posibleng pagsamahin si Anthony at ang isang sikat at multi-awarded broadcast journalist sa primetime newscast ng ALLTV.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Anthony Taberna (center) with AMBS President Maribeth Tolentino (second from right), AMBS General Counsel Atty. TJ Mendoza (extreme right), AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora (extreme left), and Rossel Taberna (second from left) during the veteran broadcaster's contract signing.
PHOTO/S: ALLTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results