Queen Elizabeth II, pumanaw 17 months pagkatapos yumao ni Prince Philip

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2022
queen elizabeth prince philip candid
Seventeen months lamang ang pagitan ng pagpanaw ni Prince Philip, na pumanaw noong April 9, 2021, at ni Queen Elizabeth II, na pumanaw nitong September 8, 2022.
PHOTO/S: Getty Images

Binigyan ng kahulugan ang double rainbow o bahaghari na namataan sa kalangitan at ibabaw ng Buckingham Palace sa London matapos kumpirmahin ang pagpanaw ni Queen Elizabeth II nitong Huwebes, September 8, 2022.

Read: Queen Elizabeth II dies at 96

May mga naniniwala na ang lumitaw na double rainbow ang kumakatawan kay Queen Elizabeth II at sa kanyang asawa na si Prince Philip, na binawian ng buhay noong April 9, 2021.

Read: Prince Philip, husband of Queen Elizabeth II, dies at 99

Ang United Kingdom-based Filipina actress na si Bela Padilla ang isa sa mga nakakita sa double rainbow nang bumalik siya sa London mula sa Venice, Italy, noong September 8 dahil sa kanyang pagdalo sa 79th Venice Film Festival.

Ibinahagi ni Bela sa kanyang social media followers ang larawan ng double rainbow.

Caption ng aktres: “Before landing in London earlier, I had a sense this would happen. This rainbow greeted us as soon as we got out. The sun came out, really unexpectedly but the odd thing was that the city was moving but there was a silence around us.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

bale padilla post

Nagluluksa ang buong mundo sa pagpanaw ng 96-year-old queen na longest-serving monarch dahil tumagal ng pitong dekada ang pagiging reyna niya ng United Kingdom.

Ayon sa royal commentator na si Dickie Arbiter, malaki ang ipinanghina ng katawan ng reyna buhat nang pumanaw si Prince Philip noong nakaraang taon.

“Prince Philip died on the 9th of April 2021. The queen died on the night of September 8, 2022, seventeen months later.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I didn’t think she ever really recovered from the loss of Prince Philip. He was a liege man for 73 years and when you lived that long with somebody, depended on each other, it was tremendous loss.

“We’ve seen her gradually, unfortunately deteriorate, getting very frail, having mobility issues…” pahayag ni Arbiter tungkol sa epekto kay Queen Elizabeth ll ng pagkawala ng asawa nito.

Ang panganay na anak ni Queen Elizabeth ll na si Prince Charles ang papalit sa trono na nabakante ng reyna.

Gagamitin niya ang pangalang King Charles III, samantalang tatawaging Queen Consort ang kanyang asawa na si Camilla Parker-Bowles.

Hindi pa matiyak kung kailan ang pormal na koronasyon kay King Charles III dahil nagluluksa pa ang United Kingdom.

Pero ayon sa mga royal expert, maaaring abutin ng ilang buwan bago maganap ang koronasyon sa kanya tulad ng nangyari kay Queen Elizabeth ll.

Labing-anim na buwan ang hinintay ni Queen Elizabeth ll mula nang hirangin siyang reyna ng Inglatera bago naganap ang pormal na pagpuputong sa kanya ng korona noong February 6, 1952.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Seventeen months lamang ang pagitan ng pagpanaw ni Prince Philip, na pumanaw noong April 9, 2021, at ni Queen Elizabeth II, na pumanaw nitong September 8, 2022.
PHOTO/S: Getty Images
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results