Mariel Rodriguez, makakasama ang dating Kapamilya actress sa morning program ng ALLTV?

by Jojo Gabinete
Sep 9, 2022
mariel rodriguez contract signing
Mariel Rodriguez is the sixth personality to sign exclusive contract with ALLTV, the television network of All Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram

Malaki ang posibilidad na isang morning talk show ang unang project ni Mariel Rodriguez-Padilla sa ALLTV, ang television network ng All Advanced Media Broadcasting System (AMBS).

Read: Toni Gonzaga, Vice Ganda, other celebs congratulate Mariel Rodriguez after signing contract with ALLTV

May plano ang ALLTV management na pagsamahin si Mariel at ang aktres na dating contract star ng ABS-CBN sa morning talk show na binubuo, pero hindi pa puwedeng ihayag ang pangalan ng huli hangga’t hindi siya pumipirma ng kontrata sa kontrata.

Si Mariel ang pang-anim na personalidad na pinapirma ng kontrata ng AMBS.

Nangyari ang contract signing niya kahapon, September 8, 2022, pagkatapos ng contract signing ni Ciara Sotto.

Read: Ciara Sotto pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV

Isinama ni Mariel sa pagpirma nito ng kontrata sa AMBS ang kanyang discoverer at manager na si Boy Abunda.

Mensahe ng TV host, “Thank you so much to ALLTV. I am so excited for the many possibilities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like what Ms. Beth said, ‘Let’s make a beautiful show. Let us make our viewers happy.'

"All I want to do is make people happy."

Ang tinutukoy ni Mariel na "Ms. Beth" ay si AMBS President Maribeth Tolentino, na mainit ang pagsalubong sa kanya nang dumating sila ni Boy sa Mella Hotel, ang lugar na pinagdausan ng kanilang kasunduan.

“Mariel will surely add more fun and entertainment that every viewer, especially moms, can relate to. We are looking forward to working with you, Mariel. Welcome to your new ALLTV family,” mensahe ni Tolentino para sa asawa ni Senator Robinhood Padilla.

Sina AMBS Chief Finance Officer Maryknoll Zamora at AMBS general counsel Atty. TJ Mendoza ang mga saksi sa pagpirma ni Mariel ng kontrata sa ALLTV.

Dumalo rin sa contract signing ang AMBS owner, si former Senate President Manny Villar, at ang kanyang anak na si Camille na naging kaibigan ni Mariel nang magkasama sila bilang mga co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime at Wowowillie ng TV5 noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatakdang magbukas ang ALLTV sa September 13, 2022.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mariel Rodriguez is the sixth personality to sign exclusive contract with ALLTV, the television network of All Advanced Media Broadcasting System (AMBS).
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results