Diego Loyzaga says Pabuya is his "wildest film"; Franki Russell on daring role: "If you got it, flaunt it.”

by Jojo Gabinete
Sep 10, 2022
Franki Russell and Diego Loyzaga for Pabuya
Diego Loyzaga and Franki Russell talk about their upcoming project Pabuya, the former's "wildest film" and the latter's first movie.
PHOTO/S: PR

Para kay Diego Loyzaga, ang Pabuya ang "wildest movie" niya dahil sa mga eksena nila ng kanyang leading lady na si Franki Russell.

Ang Pabuya ang unang pelikula ni Franki kaya nanibago ito, kahit nasubukan na niya noong umarte sa Ang Probinsyano.

Ang umpisang kuwento ni Diego tungkol kay Franki, "Kinakapa-kapa pa niya yung mga ibang bagay, lalo na yung love scenes, they’re difficult to shoot.

"She was like, ‘Is this normal? Is this okay?’ and we have naman Direk Phil to guide us.

"Another good thing is our director of photography was female so hindi nakakailang masyado."

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksiyon ni Phil Giordano, na siya ring direktor ng Vivamax film na Pusoy.

Wala raw naging restriction si Diego sa kanyang mga eksena.

Dugtong ng 27-year-old actor, "But I have to say, even for me, ito na siguro ang pinaka-wild na nagawa ko na movie. I was like, you know what, if we’re gonna do this, might as well go all the way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"It was fun and it’s cute working with her because there’s so many things that she doesn’t know yet.

"It’s always a good time being around Franki’s presence. It was definitely an experience, it was great and it was fun coz I kinda saw myself back in the day when I didn’t know much Tagalog.”

Mapalad naman ang pakiramdam ni Franki dahil si Diego ang kapareha niya sa kanyang unang movie project na mapapanood sa Vivamax simula sa October 7, 2022.

Masaya ring tinanggap ng former Pinoy Big Brother housemate ang alok na gampanan ang mapangahas na karakter sa Pabuya.

"I felt very lucky to be working with Diego. He’s a very experienced actor so I learned a lot. It was very fun.

"I definitely feel really ready. I think hindi na ako bata, and I felt excited and hungry for the role.

"When I read the script, I thought napakagandang story.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’ve always felt really confident with my body, if you got it, flaunt it,” ang sabi ni Franki.

Pinaghandaan daw niya nang husto ang shooting ng intimate scene nila ni Diego, pero nangapa pa rin siya nang kunan ang kanilang eksena.

"I was prepared for what was going to happen because I read the script, but siyempre, once you get there, ah ganito pala.

"It’s my first time for everything, so I feel like now that I’ve done it, I feel a lot more confident going into my next projects.

"It’s important to trust who you’re working with, and I just trusted the process,” ang pahayag ni Franki na pinasalamatan si Diego dahil sa paggabay nito sa kanya habang ginagawa nila ang Pabuya.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga and Franki Russell talk about their upcoming project Pabuya, the former's "wildest film" and the latter's first movie.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results