Is Marlon Stockinger dating ex-PBB housemate Franki Russell?

by Jet Hitosis
Mar 1, 2020
Netizens are shipping for Marlon Stockinger (left) and Franki Russell (right) after the race car driver and the former Pinoy Big Brother housemate were spotted together on a beach in La Union with some friends.
PHOTO/S: @marlonstockinger, @missfranki on Instagram

May namamagitan ba kay Marlon Stockinger at sa dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell?

Ito ang nais makumpirma ng kanilang fans makaraang maglabasan kamakailan ang mga litrato nina Marlon, 28, at Franki, 25, habang magkasama sa isang beach sa La Union.

Si Marlon ang Fil-Swiss race car driver na huling nakarelasyon ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, 30.

Naging housemate naman sa Pinoy Big Brother: Otso ang Filipina-Kiwi na si Franki.

INSEPARABLE?

Sa Instagram post ng fanpage na @imkweenie nitong February 23, makikita ang mga litrato nina Marlon at Franki sa isang beach sa La Union.

Bukod kay Franki, kasama rin ni Marlon sa pictures ang kanilang mga kaibigan.

Gayunman, kapansin-pansin na laging magkatabi sina Marlon at Franki sa mga litrato.

Sa isang video na nakapaloob sa parehong post, magkatabi rin sina Marlon at Franki habang nakaupo sa mesa.

Continue reading below ↓

Sa latest post ng fanpage nitong Huwebes, February 17, makikita ang cropped photo nina Marlon at Franki na magkatabi sa pagkakatayo sa beach.

Parehong nakasuot ng swimwear ang dalawa, habang nakahawak si Marlon sa beywang ni Franki.

FRANKI learns HOW TO RACE

Samantala, sa Instagram post ni Franki nitong Martes, February 25, ibinahagi niya ang litrato ng kanyang racing experience sa hindi nabanggit na lugar.

Continue reading below ↓

Sa dalawang pictures, sinusuotan si Franki ng helmet ng isang nakaputing racing suit, na may helmet din, at nakatalikod sa camera.

Mababasa ang pangalang “MARLON” sa gilid ng helmet ng nakatalikod.

Isinulat ni Franki sa caption: “the eyes, chico. they never lie [eyes, race car emojis]”

Nagkomento si Marlon ng eyes emoji, na sinagot ni Franki ng hear-no-evil monkey emoji.

Continue reading below ↓

Kinikilig namang nagpahayag ng suporta kina Franki at Marlon ang ilang Instagram followers ng dalaga.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang isang netizen, tinag si Franki at diretsahang nagtanong kung may relasyon ba ang PBB alumna sa ex-boyfriend ni Pia.

Continue reading below ↓

Hindi sinagot ni Franki ang netizen.

December 5, 2019 nang unang iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilang buwan nang hiwalay sina Pia at Marlon.

Tumagal ng tatlong taon ang kanilang relasyon.

PIA HAS MOVED ON

Ilang linggo makaraang makumpirma ang hiwalayan, na-link naman si Pia sa Scottish-Colombian model-traveler-entrepreneur na si Jeremy Jauncey, 34.

January 1, 2020 nang naging usap-usapan sa social media na kasama ng beauty queen si Jeremy nang mag-celebrate ng New Year.

Pinaniniwalaang sa isang pribadong paradise island sa Indonesia magkasamang sinalubong nina Pia at Jeremy ang taong 2020.

Nitong February 10, hinihinala namang nagkasamang muli sa New York City sina Pia at Jeremy, base sa pareho nilang Instagram Stories.

Hanggang ngayon, walang kumpirmasyon mula kina Pia at Jeremy tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens are shipping for Marlon Stockinger (left) and Franki Russell (right) after the race car driver and the former Pinoy Big Brother housemate were spotted together on a beach in La Union with some friends.
PHOTO/S: @marlonstockinger, @missfranki on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results