Xian Lim, imbitado pa rin sa ABS-CBN Ball kahit Kapuso na

by Jojo Gabinete
Sep 13, 2022
xian lim kim chiu
Xian Lim on reunion project with girlfriend Kim Chiu, Always: "Definitely, I can feel na nag-grow na kami from when we were doing yung pinakauna namin which was My Binondo Girl in 2011 so ibang-iba. Pero sa tagal naming magkasama, it still feels like it’s the first day I met her. Yung parang may skip pa rin ang tibok ng puso. Nandoon pa rin, hindi nawawala.”
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

Nagpasalamat si Xian Lim sa Star Magic, dating namamahala sa showbiz career niya, dahil imbitado siya sa ABS-CBN Ball na magaganap sa October 2, 2022.

Selebrasyon na rin ito ng 30th anniversary ng talent management arm ng Kapamilya Network.

Natanggap na ni Xian ang pormal na imbitasyon ng Star Magic kaya magkasama sila ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu sa pagdalo sa ABS-CBN Ball.

Ito ay kahit lumipat siya sa Viva Artists Agency noong January 2018 at napapanood na ang aktor sa mga programa ng GMA-7.

“Inantay ko lang yung invite. Ayoko naman biglang mag-ready tapos hindi pala ako invited,” sabi ni Xian sa presscon ng Always, ang reunion movie nila ni Kim, tungkol sa kanilang nakatakdang pagdalo sa ABS-CBN Ball.

Dagdag niya, “Sobra akong na-happy na nabigyan ako ng invitation. Hindi ko naman iisipin na baka kasama na ako diyan so I’m very happy and I feel very privileged and it’s an honor na mabigyan pa rin ako ng imbitasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Thank you, Star Magic."

Ang Always ang pelikula nina Xian at Kim na magkakaroon ng theatrical release sa September 8.

Read: Kim Chiu, bumilib sa intense acting ni Xian Lim sa "Always"

Ipinagmamalaki ng dalawa ang Always dahil ibang-iba raw ito sa mga nakaraang pelikulang ginawa nila kaya umaasa si Xian na tatangkilikin ng manonood ang pagbabalik-tambalan nila ni Kim sa silver screen.

“Gusto lang talaga namin, maiba lang kumbaga yung pino-portray namin sa mga napanood na ng mga sumusuporta sa amin at sa mga hindi pa nakakapanood.

“Maiba lang talaga yung perception nila. Masaya kasi kasama ko si Kim.

"Definitely, I can feel na nag-grow na kami from when we were doing yung pinakauna namin which was My Binondo Girl in 2011 so ibang-iba.

“Pero sa tagal naming magkasama, it still feels like it’s the first day I met her. Yung parang may skip pa rin ang tibok ng puso. Nandoon pa rin, hindi nawawala.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakinabangan ni Xina ang pagiging direktor sa shooting ng Always dahil siya ang madalas na nagpapaalaala kay Kim kapag nakakalimutan ng kanyang girlfriend na bulag ang karakter na ginagampanan nito sa pelikula.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on reunion project with girlfriend Kim Chiu, Always: "Definitely, I can feel na nag-grow na kami from when we were doing yung pinakauna namin which was My Binondo Girl in 2011 so ibang-iba. Pero sa tagal naming magkasama, it still feels like it’s the first day I met her. Yung parang may skip pa rin ang tibok ng puso. Nandoon pa rin, hindi nawawala.”
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results