Baron Geisler, hindi nauubusan ng pasabog; naglabas ng autobiography book

by Jojo Gabinete
Sep 15, 2022
baron geisler buff
Kabilang sa bagong pasabog ng controversial actor na si Baron Geisler ay ang libro niyang "Surrender with my hands wide open" at ang paglabas ng kanyang mga larawan na kita ang kanyang buff body.
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram

Noong June 16, 2022 pa ang publication date ng autobiographical book ni Baron Geisler na Surrender: with my hands open.

Kung hindi pa nag-post si Baron sa mga social media account nito, hindi malalaman ng publiko na lumabas na ang kanyang autobiography book.

surrender baron geisler book

Ang mga pangyayari sa personal na buhay ni Baron ang mababasa sa Surrender.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagsasalarawan ng publisher ng libro tungkol sa Surrender: “Behind the scenes story of actor Baron Geisler foundational story while he was young until the time he was an adult and what let him to get into high profile trouble. 4

“Baron Frederick Von Geisler is a Philippine actor that has appeared in several films and top rating television shows alongside some of the most well-respected artists in the industry.

“On the other side are well publicized bursts of trouble and chaos of a man that is full of himself.”

Ayon sa 40-year-old actor, perfect Christmas gift ang libro na kanyang isinulat.

“My book is available for ordering online, especially those outside the Philippines,” sabi ni Baron.

Dahil interesado kaming malaman pa ang ibang mga naganap sa kanyang kontrobersiyal at makulay na buhay sa pamamagitan ng Surrender, sinubukan naming mag-order sa Kindle Store ng kanyang libro.

Pero “This title is not currently available for purchase” ang mensahe na aming natanggap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang mga gulo at eskandalong kinasangkutan noon ni Baron, pati na ang pagkakaroon ng bisyo.

Read: Baron Geisler details how alcohol and drugs almost destroyed his life: "Wala ako sa tama kasi laging may tama."

Kaya marami ang nagulat sa kanyang pagbabagong-buhay, espirituwal at pisikal, na inaasahang tinalakay niya sa Surrender.

Noong April 2022, ipinagmalaki ni Baron ang pagtatapos nito ng AB in Theology at ang kanyang kagustuhang magtayo ng sariling simbahan.

Read: Baron Geisler, magtatayo ng sariling simbahan matapos mag-graduate ng AB in Theology?

Dahil dito, may mga nagtaka sa pagpayag niyang magkaroon ng frontal nudity scene sa Vivamax movie na Lampas Langit.

Ang paglalabas ng mga larawan ng kanyang buffed body ang pinakahuli sa mga panggugulat na ginawa ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila hindi nawawalan ng mga ginagawa ang aktor para sorpresahin ang publiko kaya inaasahang masusundan pa ang mga "pasabog" niya.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa bagong pasabog ng controversial actor na si Baron Geisler ay ang libro niyang "Surrender with my hands wide open" at ang paglabas ng kanyang mga larawan na kita ang kanyang buff body.
PHOTO/S: @baron.geisler on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results