Andrea del Rosario, "feeling virgin uli" sa intimate scene nila ni Kych Minemoto

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2022
andrea del rosario kych minemoto poster
Andrea del Rosario on lead role in the movie May, December, January: "I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again." Right pho: Andrea with leading man Kych Minemoto.
PHOTO/S: @andreadelrosario_official on Instagram / Viva Films

“Isang magandang line” ang sinabi ni Andrea del Rosario na isasagot nito sa tanong tungkol sa kanyang pakiramdam sa love scene na ginawa nila ng young actor na si Kych Minemoto.

Magkasama sina Andrea at Kych sa May, December, January, ang tear-jerker movie na magkakaroon ng theatrical release sa October 12, 2022. Ang Viva Films movie na ito ay idinirek ni McArthur Alejandre.

Read: Husay sa pag-arte ni Andrea del Rosario, lumutang sa pelikulang May December January

“Feeling virgin uli!” ang natatawang pahayag ni Andrea sa intimate scene nila ng aktor na mas nakababata sa kanya.

“Alam ni Direk ‘yan kasi it’s been awhile but, kumbaga, ibinigay ko na lang talaga yung tiwala kay Direk because baka hindi ko nga magawa.

"So, I’m happy naman that I did.”

Hindi nagdalawang-isip si Andrea na tanggapin ang proyektong may napakagandang kuwento mula sa panulat ni Ricky Lee, ang National Artist for Film and Broadcast Arts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again.

“I’m very, very grateful. I’ve been in the business for almost thirty years. I’ve never been offered ng siguro ganitong kalaking project until Boss Vic del Rosario called me. Direk Mac was also there with Sir Ricky Lee.

“Alam naman natin na may golden touch si Boss Vic na hanggang ngayon, tinatawag pa rin ako na Lupe," pagtukoy ni Andrea sa launching movie niya noong 2003.

Dagdag ng aktres, “And when he called me for this movie, I just had to say yes. There’s no other option. I’m just grateful that I’m in a project like this.”

Ang alam ni Direk Alejandre ay mapapanood ang May, December, January sa Vivamax streaming site kaya nasorpresa at natuwa siya sa desisyon ni Boss Vic na ipalabas sa mga sinehan ang must-see movie na ipinagmamalaki nila nina Ricky at Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ng direktor, “Ang pagkakaalam namin dati, sa Vivamax ipalalabas. Napanood nila [Viva executives], ipinalabas yung trailer.

"Nagkaroon ng positive reaction sa trailer, napanood ng mga taga-Viva, and then I got a call from them telling me na cinema release na ang pelikula that made me extremely happy.”

Idinagdag ni Alejandre na talagang para kay Andrea ang May, December, January dahil maliban sa kanya, wala nang ibang pinili para sa karakter ng isang ina na isinakripisyo ang sariling kaligayahan para sa anak niya.

Aniya, “Si Andrea ang unang na-cast. She was the only choice to play the mother. Kasi ang requirement, hindi lang yung what we term as hot mama.

“Mas mabigat sa akin yung requirement na kailangan mahusay umarte kasi napakahirap ng role .

"And si Andrea was the only choice na gumanap bilang central female lead."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea del Rosario on lead role in the movie May, December, January: "I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again." Right pho: Andrea with leading man Kych Minemoto.
PHOTO/S: @andreadelrosario_official on Instagram / Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results