Watch Now

Husay sa pag-arte ni Andrea del Rosario, lumutang sa pelikulang May December January

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2022
may december january
Gold Aceron, Andrea del Rosario, and Kych Minemoto star in McArthur Alejandre's May December January, a film written by National Artist Ricky Lee.
PHOTO/S: Vivamax

Makalipas ang dalawampu’t anim (26) na taon, dumating na ang pinakahihintay na malaking break sa pag-arte ni Andrea del Rosario.

Siya ang lead actress sa May December January, ang bagong pelikula ng direktor na si McArthur Alejandre mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.

Si Andrea ang gumaganap na mapagmahal at mapagparayang nanay ng karakter ni Gold Aceron, na matalik na kaibigan ng papel na ginagampanan ni Kych Minemoto.

Simpleng-simple ang kuwento ng May December January pero isa ito sa pinakamagandang pelikula na ginawa ni Alejandre at kuwento na isinulat ni Lee.

Sa August 31 pa ang playdate ng May December January.

Pero ngayon pa lang, dapat nang maghanda ang mga nagbabalak manood ng love story movie nina Andrea, Gold, at Kych dahil tiyak na bubuhos ang kanilang mga luha sa mga makabagbag-damdamin pero hindi pilit na mga eksena.

Sulit na sulit ang matagal na panahong paghihintay ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa napakaganda ng proyekto, napatunayang mahusay siyang aktres at isang McArthur Alejandre lamang ang makapagpapalitaw ng kanyang galing sa pag-arte.

Nalaman naming hindi sina Gold at Kych ang mga original choice para sa mga karakter na kanilang ginampanan kaya imposibleng hindi makaramdam ng panghihinayang ang mga aktor na pinakawalan sa kanilang mga palad ang May December January.

Kakaiba ang love scene nina Gold at Kych dahil imbes na malisya ang maramdaman, siguradong iiyak ang audience habang nagtatalik ang dalawa na parang ngayon lamang mangyayari sa isang pelikula habang naririnig ang kanta ni Ice Seguerra na "Pagdating ng Panahon."

Ang May December January ang unang proyekto ni Lee matapos siyang kilalanin bilang National Artist for Film and Broadcast Arts kaya akmang-akma ang theatrical release ng pelikula sa mataas na parangal na ipinagkaloob sa kanya.

Read: Ricky Lee grateful for the opportunity to give back after being named National Artist

May three million views agad ang trailer ng May December January nang unang ilabas ang trailer nito sa iba’t ibang social media platforms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nakapagtataka dahil, para sa amin, ang pelikula ni Alejandre ang isa sa pinakamagandang ipalalabas at mapapanood sa 2022.

Nagkakamali ang mga mag-iisip na isang Boys Love o love triangle movie ang May December January.

Tungkol ito sa unconditional love para sa isa’t isa ng mga pangunahing karakter ng pelikula na hahaplos sa mga puso nila at mapapamura sila sa ganda tulad ng naging epekto sa kanila ng pelikula nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi noong 2018, ang Through Night & Day.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gold Aceron, Andrea del Rosario, and Kych Minemoto star in McArthur Alejandre's May December January, a film written by National Artist Ricky Lee.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results