Willie Revillame, nagpasalamat sa ABS-CBN sa pagbebenta ng transmitter sa AMBS

by Jojo Gabinete
Sep 16, 2022
willie revillame abs-cbn transmitter
Willie Revillame: "Kung hindi naman nila ipinagkaloob sa atin yung antenna, we’re so thankful, ipinagkaloob sa atin ng ABS-CBN yung antenna na ‘yan, yung transmitter. Kung wala po ‘yan, hindi niyo kami mapapanood sa analog. We’re so thankful."
PHOTO/S: ALLTV / Jerome Ascano

Nagpasalamat si Willie Revillame sa management ng ABS-CBN sa live broadcast ng Wowowin ngayong Biyernes ng gabi, September 16, 2022.

Ito ay dahil ipinagkaloob umano ng Kapamilya Network ang transmitter nito sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) kaya napapanood na sa telebisyon ang mga programa ng ALLTV na nagbukas noong Martes, September 13.

Read: Richest Pinoy Manny Villar takes over ABS-CBN channels: A Timeline

Bukod sa pasasalamat sa ABS-CBN management, ipinakita ni Willie sa Wowowin ang transmitter ng kanyang dating home network na ginagamit ngayon ng ALLTV.

Katabi lamang ito ng Wil Tower Mall, ang pansamantalang studio ng Wowowin habang ginagawa pa ang mga state-of-the-art studio ng AMBS sa Starmall, Edsa, Mandaluyong City.

Pahayag ni Willie, “Para malaman niyo po ang katotohanan, yung antenna ng ABS-CBN po, salamat naman sa ABS, ipinagkaloob na po sa amin ‘yan sa ALLTV.

“Maraming salamat. Thank you so much, of course, the president, the chairman si Mr. Carlo Katigbak, Mr. Mark Lopez, Boss Gabby [Lopez], maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kung hindi naman nila ipinagkaloob sa atin yung antenna, we’re so thankful, ipinagkaloob sa atin ng ABS-CBN yung antenna na ‘yan, yung transmitter.

"Kung wala po ‘yan, hindi niyo kami mapapanood sa analog. We’re so thankful."

Dagdag pa niya, "Sana, magkasama-sama tayo uli. Yung ibang mga programa na magaganda, maisama natin dito. Ganoon lang naman ang buhay, di ba, there’s always forgiveness in your heart.

“Ang importante, ang bida dito, yung manonood. Kung hindi ipinagkaloob ng ABS-CBN yung antenna na ‘yan, hindi naman po tayo mapapanood, kaya malaking bagay din po yung ginawa.

"Hindi nila ipinagdamot, e. Sa totoo lang, in fairness, ang bait din nila para hindi ipagdamot. Puwede naman nilang hindi ibenta ‘yan pero ibinenta pa rin nila.

"Salamat ho. Nakakatuwa naman, thank you so much," kuwento at paliwanag ni Willie tungkol sa transmitter ng ABS-CBN na ipinagkaloob sa ALLTV.

Ito ang sagot sa mga nagtatanong kung may sarili nang transmitter ang bagong bukas na network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na nagagamit ng ABS-CBN ang kanilang transmitter matapos ipagkaloob ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga dating TV at radio frequencies ng Kapamilya network sa ibang media company.

Ang Channel 2 frequency ay ipinagkaloob sa AMBS, na pagmamay-ari ng bilyonaryo at dating senador na si Manny Villar.

Read: Manny Villar media company acquires ABS-CBN frequencies

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame: "Kung hindi naman nila ipinagkaloob sa atin yung antenna, we’re so thankful, ipinagkaloob sa atin ng ABS-CBN yung antenna na ‘yan, yung transmitter. Kung wala po ‘yan, hindi niyo kami mapapanood sa analog. We’re so thankful."
PHOTO/S: ALLTV / Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results