Leandro Baldemor, "poging-pogi" sa sarili dahil pinag-aagawan nina Jean Garcia at Michelle Aldana

by Jojo Gabinete
Sep 18, 2022
leandro baldemor jean michelle
Leandro Baldemor plays leading man to Jean Garcia (left) and Michelle Aldana (right) in GMA-7 upcoming afternoon drama series Nakarehas Na Puso.
PHOTO/S: GMA Network

“Poging-pogi” ang pakiramdam sa sarili ng ‘90s sexy actor na si Leandro Baldemor dahil pinag-aagawan ng dalawang babae — Jean Garcia at Michelle Aldana — ang karakter na ginagampanan niya sa Nakarehas Na Puso.

May rason si Leandro para maging masaya dahil ngayon lamang siya magbibida sa drama series ng GMA-7 na mapapanood simula sa September 26, 2022.

“Napakapogi ko dito kaya nga hindi talaga ako makapaniwala kasi nung nagbabasa kami ng script, panay nga ang kantiyaw nitong dalawa sa akin!” natatawang pahayag ni Leandro.

Nang tanungin tungkol sa pagkakapareho ng ugali niya at ni Jack Galang, ang pangalan ng kanyang karakter sa Nakarehas Na Puso, sinabi ni Leandro na kapwa sila mapagmahal sa pamilya.

“Si Jack Galang mapagmahal sa pamilya, ang focus niya talaga maging masaya parati saka sama-sama sila.

“Ganoon din si Leandro sa pamilya niya. Lahat gagawin para sa mga anak.

"Siyempre, ang pangarap natin sa buhay, mabigyan natin ng magandang buhay yung anak natin. Mapagtapos natin sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganoon si Leandro, ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. Walang sinasaling na tao. Gustong makaangat sa buhay pero sa malinis at magandang pamamaraan.”

Nagsimula ang showbiz career ni Leandro noong 1996 nang papirmahin siya ng exclusive contract ni Robbie Tan, ang producer ng Seiko Films.

Walang kahirap-hirap ang pagpasok ni Leandro sa showbiz kaya itinuring niya sa isang propesyon na nirerespeto at hindi basta "hobby" ang pagiging artista.

Saad niya, “Hindi po hobby ang pag-aartista. Ito po, e, talagang nananalaytay sa dugo at saka ibinigay sa akin ni Lord ‘yan.

"Talagang kini-claim ko na ibinigay Niya sa akin kasi after na ma-discover ako, seven days, nasa showbiz na ako. Kaya sabi ko sa Kanya, huwag mo akong pawawalan ng project, ha?

“Kadugtong na ‘yan sa buhay ko. Hindi hobby lang, walang ganoon. Nirerespeto ko at saka ‘yan ang ipinapakain ko sa aking mga anak na itutulong ko rin sa mga tao na nangangailangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lamang ang Panginoong Diyos ang pinasalamatan ni Leandro dahil nagpasalamat din siya sa GMA-7 na patuloy na nagbibigay sa kanya ng mga proyekto, kahit pumanaw na ang dating manager niya, ang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

“Malaking bagay sa akin ito at malaking blessing ng GMA.

“Maraming-maraming salamat sa GMA dahil sa natatandaan ko, nag-start ako sa GMA na gumawa ng teleserye, 2010 pa, buhay pa si Direk Maryo J. de los Reyes.

"Hanggang ngayon, 2022 na, medyo matagal-tagal nang pasasalamat ito, kahit papaano, nakukuha pa rin ako ng GMA 7."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Leandro Baldemor plays leading man to Jean Garcia (left) and Michelle Aldana (right) in GMA-7 upcoming afternoon drama series Nakarehas Na Puso.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results