Si Coleen Garcia ang mystery performer sa dance number ni Billy Crawford at ng partner nitong si Fauve Hautot sa Danse avec les Stars.
Ang guesting ni Coleen ay ipinalabas sa September 30 episode ng French counterpart ng dance competition na Dancing with the Stars.
Walong pares na lamang ang mga magkakatunggali, at bilang challenge sa mga celebrity contestants, binigyan sila ng "private guest" na makakasama nila sa huling bahagi ng kanilang pagsasayaw.
Lingid sa kaalaman ni Billy, si Coleen ang private guest sa dance number nila ng kanyang kapareha, kaya manghang-mangha siya sa biglang pagsulpot ng asawa.
As expected, pinahanga nina Billy at Fauve ang televiewers at ang studio audience dahil sa kanilang mahusay na Charleston dance sa saliw ng "Stay with Me," ang hit song ng Scottish musician na si Calvin Harris.
Marami ang natuwa sa surprise appearance ni Coleen sa Danse avec les Stars, pero may mga French fans si Billy na umasang ang French actress na si Lorie Pester ang private guest.
Sa mga hindi nakakakilala kay Lorie, siya ang karelasyon ni Billy mula 2002 hanggang 2004, ang panahon na sikat na sikat sa Europe ang Filipino-American singer, actor, at television host.
Samantala, kabilang sa mga nanood ng live show ng French dance competition ang mag-asawang Dr. Hayden Kho Jr. at Dra. Vicki Belo, na tumuloy sa Paris mula sa pagdalo nila sa Milan Fashion Week na idinaos sa Milan, Italy, mula September 20 hanggang September 26, 2022.
Mga celebrity endorsers ng Belo Medical Clinic sina Coleen at Billy kaya bilang moral support, personal na pinanood nina Hayden at Vicki ang live show ng Danse avec les Stars.
Nakaramdam daw sila ng pagmamalaki dahil sa mataas na respeto ng French people sa host ng The Wall Philippines ng GMA-7.
Sa Facebook post ni Hayden noong Sabado, October 1, ikinuwento niya ang superstar treatment kay Billy ng French people na nasaksihan nila ni Vicki.
"We’re very proud of Billy Crawford who’s making a huge impact on French television. He’s so admired, respected and celebrated here it’s unbelievable!
"We watched his @_dance_avec_les_stars last night, where Coleen gave a surprise performance, and we’re thrilled that’s he’s the superstar of the show."