Reklamo ni Ryza Cenon sa water bill, kaagad inaksyunan ng Maynilad

by Jojo Gabinete
Sep 22, 2022
ryza cenon water bill
Epektibo ang pagrereklamo ng aktres na si Ryza Cenon sa social media tungkol sa nakakagulantang na water bill niya nitong buwan ng Setyembre, na umabot ng P120,945.62, dahil inaksyunan ito kaagad ng Maynilad.
PHOTO/S: Ryza Cenon Facebook

Mabilis na gumawa ng aksyon ang Maynilad Water Service Inc. sa reklamo ni Ryza Cenon noong nakaraang linggo tungkol sa water bill ng aktres.

Nasindak si Ryza dahil sinisingil siya ng P120,945.62, samantalang P1,101.02 lamang ang binayaran niya sa nakonsumong tubig noong nakaraang buwan ng Agosto.

ryza cenon water bill

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ginamit ni Ryza ang kanyang Facebook page para iparating sa mga namamahala ng Maynilad ang reklamo niya.

“Ano kami may carwash? 10pm-4am nawawala na ng water samin. Tapos ang hina hina ng tubig namin from 5am-9pm. So paki explain Maynilad Water Services, Inc. from 1,101.02 last month ngayon 120k?!!!?????” nagtatakang tanong ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Epektibo ang ginamit na paraan ng pagrereklamo ni Ryza dahil mabilis ang pagsagot ng Maynilad.

Mensahe ng Maynilad: "Hi Ryza. Salamat sa inyong pakikipag-ugnayan sa amin upang ma-check ang inyong account. Patuloy na makikipag-coordinate ang aming Zone personnel sa inyo ukol dito.”

Pero umani ito ng mga batikos mula sa netizens na nanumbat na mabilis umaksyon ang nabanggit na ahensya kapag artista o kilalang personalidad ang may mga reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng Cabinet Files si Ryza ngayong Huwebes ng gabi, September 22, 2022.

Ibinalita niyang naayos na ng Maynilad ang problema na nagbigay sa kanya ng tension.

“Nagulat po dahil ang hina-hina na po ng tubig namin at kasama pa ang aming area sa may schedule ng water interruption kaya nagtaka ako kung paano nangyari na P120 plus ang water bill namin.

"Na-stress po ako kasi halos equivalent na ‘yon ng tuition fee ni Night," pagtukoy ni Ryza sa kanyang anak.

Patuloy niya, “Thank God, hindi na po kami na-charge ng full amount na P120K.

“To be fair sa kanila, as soon as nag-reach out kami regarding the bill, nagpadala agad sila sa bahay ng team nila the next day to check kung bakit umabot nang ganoon ang water bill.

“Nag-explain sila ng possible causes at ng steps na gagawin to make sure na maayos lahat. In-explain nila sa amin na it can either be the meter or an underground leak or a combination of both.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But from our end, wala talagang visible leaks sa loob mismo ng bahay.

“Aside po sa paghanap nila ng underground leak, isa po sa steps na ginawa was pinalitan ang meter at ipina-test ang luma.

"Then, tumawag ang Zone Head nila sa amin to explain na after testing the meter, nakita na worn out na din naman ito.

"So, kapag ganoon daw po ang situation, automatic na they will instead charge us an amount equivalent ng average ng bill namin for the last six months,” lahad ni Ryza tungkol sa traumatic water bill experience niya.

ryza cenon water bill

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naging maramot si Ryza nang hingan namin siya ng payo o mga dapat gawin ng mga kagaya niya para maresolba ang problema tungkol sa hindi makatarungang mahal na paniningil sa nakonsumo na tubig.

Aniya, “Ang advice ko is to immediately report the situation sa water provider ninyo. If possible, try ninyo na frequently check ang water meter niyo and if may makita kayo na parang unusual, i-report agad sa kanila dahil based sa experience namin, agad naman sila nag-take ng action.

“Also, better din if meron kayo na trusted plumber that can help you check the problem para may iba pa kayong opinion na matatanggap.

“I think nakatulong ang post ko sa social media though tumawag din po kami sa hotline nila para i-report agad ang nangyari.

“Ang sabi nila, hindi pa raw nagre-reflect sa system nila ang billing kaya after 24 hours pa raw kami puwedeng tumawag uli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But then, the next day, nang tumawag po kami ulit, nagpadala na sila ng team to assess the situation."

Sabi pa ni Ryza, “Pinakamalaki po ang naitulong ng social media post ko dahil marami agad ang nag-share ng sarili nilang experience so we were able to make sense of what was happening.

“Kahit sino naman, masa-shock talaga kapag nakatanggap nang ganoong kalaki na halaga ng water bill, and would really want an immediate explanation sa situation.

“Sobrang stressful po talaga especially noong first 24- hours na walang makapag-explain sa amin kung ano ang nangyari.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Epektibo ang pagrereklamo ng aktres na si Ryza Cenon sa social media tungkol sa nakakagulantang na water bill niya nitong buwan ng Setyembre, na umabot ng P120,945.62, dahil inaksyunan ito kaagad ng Maynilad.
PHOTO/S: Ryza Cenon Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results