Bea Binene, Kapuso pa rin kahit pumirma na sa Viva Artists Agency; hindi pa kayang magpa-sexy

by Jojo Gabinete
Sep 23, 2022
bea binene serious smiling
Is new Viva artist Bea Binene ready to do daring projects? She says, “Yun ang unang-una kong sinabi noong nag-meeting kami, sabi ko, 'Hindi ko po kaya yun [magpaseksi].' Siguro sa Vivamax naman or yung ibang films ng Viva, hindi naman lahat sexy. Hindi naman lahat medyo daring. For sure, meron naman tayong magagawa na project. Pero yung mga pagpapaseksi, parang hindi ko pa po kaya.”

Itinanggi ni Bea Binene ang balitang hindi na ni-renew ng GMA Network Inc. noong 2021 ang kanyang kontrata kaya lumipat siya sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.

Read: Bea Binene wala nang exclusive contract sa GMA-7 pero mananatiling Kapuso

Opisyal na ipinakilala si Bea bilang contract star ng Viva Artists Agency ngayong Biyernes ng hapon, September 23, 2022.

Read: Bea Binene, lumipat na sa Viva Artists Agency; magiging Kapuso pa rin kaya?

Dito siya nagpaliwanag tungkol sa isyu.

Pahayag niya, “First, I wouldn’t say na hindi ni-renew yung contract ko because that time, since pandemic nga kasi, nakakatakot naman talaga na magla-lock-in [taping] ka. Yun ang time na wala pang vaccine so medyo nakakatakot.

“That time, parang ang napag-usapan is 'since you’re still scared [to go out],' hindi naman, ‘Okay, hindi ka na namin ire-renew,’ walang ganoon.

"And I’m very very thankful, I am forevery thankful to GMA-7 kasi I wouldn’t be here without them,” hindi masyadong malinaw na paliwanag ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iginiit ni Bea na mananatili siyang Kapuso.

“Eighteen years na sila yung kasama ko, literal na sa GMA ako lumaki, tumaba, pumayat.

“I would still be a Kapuso na nandoon yung mga kaibigan ko. Nandoon yung mga nakasama ko at nakatrabaho.

“Kumbaga, forever silang magiging part ng kung sino ako. Blessing pa rin and I would be forever thankful and grateful sa GMA.”

Naniniwala at umaasa si Bea na mas marami at malalaking oportunidad ang matatanggap niya dahil contract star na siya ng Viva Artists Agency.

Aniya, “I’m sure that there will be more and bigger opportunities. Tayo naman, kung saan may trabaho, kung saan po mas okay ang trabaho, dun po tayo.”

Nang tanungin kung magagawa ba niyang maging mapangahas at magpaseksi sa mga future project ng kanyang bagong home studio, “hindi ko pa po kaya” ang maagap na sagot ni Bea.

Lahad niya, “Yun ang unang-una kong sinabi noong nag-meeting kami, sabi ko, 'Hindi ko po kaya yun [magpaseksi].'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro sa Vivamax naman or yung ibang films ng Viva, hindi naman lahat sexy. Hindi naman lahat medyo daring.

"For sure, meron naman tayong magagawa na project. Pero yung mga pagpapaseksi, parang hindi ko pa po kaya.”

Noong mga unang buwan ng 2021, may lumitaw na balitang niyayaya na si Bea na magpakasal ng kanyang mayaman na boyfriend. Pero itinanggi rin ito ng 24-year-old actress.

“Hala!” ang unang reaksiyon ni Bea nang marinig nito ang tanong tungkol sa diumano’y marriage proposal na kanyang natanggap.

“Siguro kung ganoon, e, di dapat wala ako dito. Di sana hindi na tayo masyadong nagtrabaho.

"Kung anuman yun, kung totoo iyon, I think dapat sa akin manggaling, di ba?”

Nanindigan si Bea na ang kanyang pamilya at trabaho ang mga priority niya sa kasalukuyan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is new Viva artist Bea Binene ready to do daring projects? She says, “Yun ang unang-una kong sinabi noong nag-meeting kami, sabi ko, 'Hindi ko po kaya yun [magpaseksi].' Siguro sa Vivamax naman or yung ibang films ng Viva, hindi naman lahat sexy. Hindi naman lahat medyo daring. For sure, meron naman tayong magagawa na project. Pero yung mga pagpapaseksi, parang hindi ko pa po kaya.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results