PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dina Bonnevie, Alma Moreno compare notes on husband comedians

Dina, aminadong hindi maayos noong una ang relasyon sa kanyang stepchildren.
by Jojo Gabinete
Published Sep 28, 2022
dina bonnevie in black
Dina Bonnevie on her relationship with her stepchildren with husband DV Savellano: "Siyempre noong una, hindi. I mean, like all children, di ba, kapag may stepmom, akala nila salbahe. Pero nakita naman ng mga stepchildren ko na masilbi ako. Ipinagluluto ko sila, ipinaglilinis ko ng bahay.’ ung mga kuwarto nila, nililinis ko. Maasikaso ako, even in their lives..."
PHOTO/S: TV5 Facebook

Magandang-maganda si Dina Bonnevie nang dumalo siya sa face-to-face media conference ng Kalye Kweens na ginanap sa isang restaurant sa Quezon City nitong Miyerkules ng tanghali, September 28, 2022.

Hindi maipagkakailang nagmumula ang kagandahan niya sa masaya at kuntentong pamumuhay sa piling ng kanyang asawa na si DV Savellano, ang dating house representative ng 1st District ng Ilocos Sur.

Kasama si Alma Moreno, humarap si Dina sa mga miyembro ng entertainment press dahil sa Kalye Kweens, ang bagong sitcom na pinagbibidahan nila at mapapanood sa TV5 simula sa darating na Sabado, October 1.

Read: Alma Moreno at Dina Bonnevie, "magbabardagulan" sa TV5 sitcom na Kalye Kweens

May basbas ng kanyang asawa ang pagiging aktibo ni Dina sa entertainment industry dahil isa ito sa mga napagkasunduan nila bago sila nagpakasal noong 2012.

Lahad ng aktres, “Pinag-usapan namin 'yan bago kami nagpakasal. Sabi ko sa kanya, 'Please, never stop me from doing what I want to do, be supportive, and I will also be supportive towards you.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Hindi na kailangan pag-usapan 'yan. Nakilala kita na artista so kailangang tanggapin ko ‘yan.'

"So, supportive naman kami sa isa’t isa,”

Ayon kay Dina, wala siyang planong sundan ang yapak sa pulitika ng kanyang asawa.

“Ayokong pasukin ang politics kasi kung sinasabi nila na sa showbiz, maraming plastic, mas maraming plastic sa politics. Yun ang talagang sobrang plastic!

“Kaharap mo na and all, niyayakap ka pa everything, tapos yun pa pala yung mole na magsasabi sa kabilang kampo kung ano yung plano mo.”

THE STEPMOTHER

Kapwa may mga anak sina Dina at DV nang magpakasal sila, sampung taon na ang nakalilipas.

Naging matapat ang award-winning actress nang sabihin nito na, noong una, nagkaroon din sila ng mga hindi napagkakasunduan ng mga stepchildren niya.

“Siyempre noong una, hindi. I mean, like all children, di ba, kapag may stepmom, akala nila salbahe.

“Pero nakita naman ng mga stepchildren ko na masilbi ako. Ipinagluluto ko sila, ipinaglilinis ko ng bahay.’ ung mga kuwarto nila, nililinis ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maasikaso ako, even in their lives. Yung mga personal nila, ‘Tita, I have a problem…ganito… ganyan.’ 'Sige, ayusin natin ‘yan.'

“Kaya sabi nila, ‘Noon kasi akala namin, ang stepmom, salbahe. Mukhang pera. Hindi pala, ambait mo pala, Tita.’

“Okay naman kami. Minsan nga, nag-camping kami. Yung kids ni DV saka sina Danica, nag-camping kami sa Quezon. It’s a nice camping site. Ang saya-saya.”

Si Danica at ang kapatid nitong si Oyo Sotto ay mga anak ni Dina sa kanyang unang asawa na si Vic Sotto.

DINA ON ALMA

Ang Kalye Kweens ang unang pagkakataong nagkasama sina Dina at Alma sa isang sitcom.

Magkaibigang matalik pero nasira ang relasyon dahil sa isang lalake ang mga karakter na ginagampanan nina Dina at Alma sa sitcom na kanilang pinangungunahan.

dina bonnevie alma moreno sitcom

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paglalarawan ni Dina, “Best friends kami. Pareho kaming poor pero nagpapaka-alta siya na nahahalata naman na hindi siya alta kasi nga poor naman talaga siya kaya lang nakapangasawa siya ng mayaman.

“Boyfriend niya si Jeric Raval. Pero ang ending, si Jeric Raval, nagkagusto sa akin, so ako ang pinakasalan.

"Yun ang reason kaya kami naghiwalay as friends."

Dahil unang proyekto nila na magkasama ang bagong sitcom ng Kapatid Network, ang mga ugali ni Alma na natuklasan niya ang isa sa mga itinanong kay Dina.

Aniya, “Nakakatuwa, ang favorite niya, horror movies. Yun naman ang ayaw na ayaw ko kasi hindi ako makatulog. E, siya loves horror movies.

“Na-discover ko, super hands-on mom pala siya. Very loving mother.

“Nagkukuwentuhan din kami about love life. About being married to a comedian.

“'Ano ba si Dolphy?' Sabi ko, 'Si Vic, tahimik. Hindi naman siya nagpapatawa.'

“Sabi niya, ‘Uy, si Dolphy ganoon din. Hindi nagpapatawa.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Baligtad ano?”

Patuloy na kuwento ni Dina, “Komedyante, hindi nagpapatawa sa totoong buhay. Kami yung kalog, in real life.

“Kahit si Joey de Leon, nang tanungin ko yung wife niya na si Eileen, seryoso siya sa bahay. Hindi siya nagpapatawa.

“Kaya sabi ko kay Alma, ‘E, ikaw nakadalawang komedyante ka na. E, si Joey Marquez nagpapatawa ba?’

“Sabi niya, ‘Ikaw talaga. Ang dami mong tanong!’

“Parang sa pagiging ina, magkasundo kami. Parang never mind na mahiwalay siya or what, ang importante yung anak.

“Maya’t maya, tsine-check niya. Tinitingnan niya kung maayos, ‘Pupunta ka ba sa ganyan? Dun ka ba sa daddy mo?’

“Parang yung dialogue ko sa mga bata noong naghahati-hati kami ni Vic, ‘Dun ka ba sa daddy mo ngayon?’

“Parang nakikita ko yung sarili ko [kay Alma].”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dina Bonnevie on her relationship with her stepchildren with husband DV Savellano: "Siyempre noong una, hindi. I mean, like all children, di ba, kapag may stepmom, akala nila salbahe. Pero nakita naman ng mga stepchildren ko na masilbi ako. Ipinagluluto ko sila, ipinaglilinis ko ng bahay.’ ung mga kuwarto nila, nililinis ko. Maasikaso ako, even in their lives..."
PHOTO/S: TV5 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results