Ang planong paninirahan sa Amerika sa lalong madaling panahon at subukan ang kapalaran sa Hollywood ang isiniwalat ni Andrea del Rosario.
Ito ay sa kabila ng mga papuri na natatanggap niya dahil sa mahusay na pagganap sa May-December-January bilang isang mapagmahal na ina na nagparaya sa kanyang anak na bakla.
Read: Husay sa pag-arte ni Andrea del Rosario, lumutang sa pelikulang May December January
“Sana makabalik pa rin ako at makagawa ng projects na something like this. This is a project that I can take to my auditions, Hollywood, Chicago.
"I might be based Chicago in the near future and I’m actually talking to some, hopefully, talent agencies.
“I guess, like other artists na they go back and forth, I’m hoping to do the same kasi hindi ko talaga tuluyang maiiwan ang Pilipinas,” rebelasyon ni Andrea tungkol sa balak nito, hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa kinabukasan ng kanyang nag-iisang anak na babae.
Maligaya si Andrea dahil nabigyan siya ng isang proyekto na katulad ng May-December-January bago nabuo ang kanyang planong manirahan sa ibang bansa.
Nagpapasalamat siya sa direktor na si McArthur Alejandre, sa writer na si Ricky Lee, at kay Viva Films producer Vic del Rosario.
Sabi ni Andrea, “I’m very flattered kasi paulit-ulit na sinasabi ni Direk Mac na ako talaga ‘yung napusuan para sa project.
“I’m very flattered kasi nga tinititigan ko yung sarili ko sa salamin, ang dami ko nang puting buhok. And to be given a project like this, obviously, they still see me that I still have the oomph and knowing that they could see that I can carry this movie for them, parang early Christmas gift for me.
“It’s a perfect project right now. Bihira sa edad ko na magkaroon ng project na nakikita pa rin nila yung acting, sex appeal, so happy ako.
“It’s been a while since I’ve done lead roles so when Boss Vic called me to do a lead movie, sa totoo lang, hindi na ako nakapag-isip. Napa-oo agad ko.
“Feeling ko, para akong si Kate Winslet sa The Reader because May-December-January is a wonderful project to be part of.”
Nabanggit ni Andrea ang pangalan ni ni Kate Winslet dahil tulad niya, matagal na panahon ang lumipas bago nabigyan ng isang role at pelikulang maganda ang English actress na nanalong best actress sa 81st Academy Awards noong February 2009.