PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Akihiro Blanco open to do sexy movie for Vivamax

Akihiro Blanco, pumirma na sa Viva Artists Agency.
by Jojo Gabinete
Published Oct 11, 2022
akihiro blanco viva
Akihiro Blanco on his showbiz career: “Para sa akin, itong craft na 'to, yung passion ko sa pagiging actor, sobrang mahal na mahal ko. I’m happy sa takbo ng career ko. Saka mahaba po talaga yung pasensiya ko.”

Ang Viva star na si Donnalyn Bartolome ang isa sa mga kumumbinsi kay Akihiro Blanco para lumipat ito sa Viva Artists Agency.

Natupad na ito dahil ipinakilala ang Artista Academy finalist bilang bagong contract star ng talent management arm ng Viva Entertainment ngayong Martes ng hapon, October 10, 2022.

Ang Artista Academy ang reality talent search program ng TV5 noong 2012. Hindi man pinalad manalo, nagtuluy-tuloy ang showbiz career ni Akihiro na ipinagmamalaki ang lahat ng kanyang mga karanasan sa industriya.

“Since nag-start ako from Artista Academy hanggang today, sobrang proud ako sa lahat ng mga ginawa sa akin pero para sa akin, gusto ko pa po ng work.

"Gusto ko ng maraming work, gusto kong gumawa ng mga hindi ko pa nagagawa. Yun po ang pinaka-goal ko after ten years,” pahayag ni Akihiro.

Kabadung-kabado pero excited si Akihiro sa mga mangyayari sa kanyang career bilang contract artista ng Viva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang kinakabahan ako, at the same time, sobrang excited ako kasi first time kong mag-e-explore sa Viva," sabi niya.

Bukas si Akihiro sa posibilidad na gumawa ng mga sexy movie para sa Vivamax, pero importante sa kanyang makita muna ang kuwento at script ng pelikula.

May mga obserbasyong tila mabagal ang pag-usad ng acting career ni Akihiro, pero wala raw siya nararamdamang frustration dahil hindi siya nawawalan ng mga ginagawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad niya, “Kahit nagkaroon ng pandemic o kung anuman yung nangyari sa akin, parang may pasulpot-sulpot, may Maalaala Mo Kaya, Tadhana… 'yan yung time na freelance pa ako.

“Nag-start din ako noon business na coffee shop. Meron din akong partnership sa isang bar sa Pasig City.

“Para sa akin, itong craft na 'to, yung passion ko sa pagiging actor, sobrang mahal na mahal ko.

"I’m happy sa takbo ng career ko. Saka mahaba po talaga yung pasensiya ko.”

Naniniwala si Akihiro na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanyang showbiz career dahil talent na siya ng Viva.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Akihiro Blanco on his showbiz career: “Para sa akin, itong craft na 'to, yung passion ko sa pagiging actor, sobrang mahal na mahal ko. I’m happy sa takbo ng career ko. Saka mahaba po talaga yung pasensiya ko.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results