PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lino Cayetano signs long-term partnership with Viva Films

Lino Cayetano,satisfied sa partnership nila sa Viva Films.
by Jojo Gabinete
Published Oct 18, 2022
lino cayetano bald
Lino Cayetano on Vivamax series Secrets of A Nympho: “May mga kuwento, lalo kung ang pinag-uusapan natin yung buhay talaga ngayon ng mga bata. Yung mundo na ginagalawan nila kapag college sila. Ang kalokohan na pinapasok nila. Na-realize ho namin na hindi makatotohanan yung kuwento natin kung walang sex, kung walang drugs, kung walang taking risks. So it’s as sexy as it needs to be."
PHOTO/S: Noel Orsal / Vivamax

Ipinagtapat ni Rein Entertainment executive at former Taguig City Mayor Lino Cayetano na pumirma sila ng kanyang mga kasamahan ng long-term contract para sa mga proyektong gagawin nila sa Viva Films.

Read: Former Taguig City Mayor Lino Cayetano, ayaw na sa pulitika kaya balik-showbiz

Ayon kay Lino, nabuo ang partnership nila sa Viva dahil matagal na silang magkakaibigan ng Viva Entertainment executives na sina Vincent at Val del Rosario.

“Matagal na naming kaibigan si Val at si Boss Vincent del Rosario. We are longtime friends.

"We’ve always wanted to work together,” pahayag ni Lino sa digital media conference ng Secrets of A Nympho, ang original series na pinagbibidahan nina Rhen Escaño at Ayanna Misola.

Ito ang unang proyekto ng Rein Entertainment na mapapanood sa streaming site ng Viva Entertainment, ang Vivamax, simula sa October 23, 2022.

Read: Rein Entertainment ni Lino Cayetano, satisfied sa collab with Vivamax

Inilahad ni Lino na nagtugma sa hinahanap ng Viva ang kuwento ng Secrets of a Nympho, na isinulat ng kanyang kapwa direktor at Rein Entertainment co-founder na si Philip King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung mapapanood ninyo yung mga iba naming gawa, yung Bagman, tapos yung pelikula namin ngayon for MMFF [Nanahimik Ang Gabi], talagang may material na bagay sa hinahanap ng Viva.

"So, yung kuwento ni Philip King, buo na ho ito, tapos nung ilapit namin sa Viva, nag-swak sa hinahanap nila.

"Nagtono na lang kami saka nagtugma kami pero it happened because we’ve always wanted to work with Viva.

“We’re excited. We finished shooting, we have such a wonderful cast. Talagang such a pleasure to work with these young ladies and gentlemen."

Dagdag ni Lino, "Pumirma na rin kami ng long-term contract with Viva so we can continue working with them.

"We love being part of the Viva family. Ang sarap katrabaho ng Viva because tinutulungan kami na itono at itugma yung characters namin sa lineup nila of actors."

Sa title at mga bida ng Secrets of a Nympho, malinaw na seksi ang tema ng original series na ginawa ng Rein Entertainment kaya masaya si Lino sa partnership nila sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng director-producer, “May mga kuwento, lalo kung ang pinag-uusapan natin yung buhay talaga ngayon ng mga bata. Yung mundo na ginagalawan nila kapag college sila. Ang kalokohan na pinapasok nila.

“Na-realize ho namin na hindi makatotohanan yung kuwento natin kung walang sex, kung walang drugs, kung walang taking risks. So it’s as sexy as it needs to be.

“Marami kaming sitwasyon na hindi namin maikukuwento sa ibang medium, sa ibang distribution platform.

"So, sabi namin, parang hindi naman makatotohanan, mga kolehiyo sila, hindi napag-uusapan ang sex. Hindi napag-uusapan yung drugs.

“So, happy kami kasi nagkaroon ng venue itong kuwentong ito.

"We’re excited because hindi naman walang limitasyon, pero lahat po ng mga artista namin, naintindihan yung kailangan gawin para maikuwento namin nang maganda itong kuwento ng Secrets of a Nympho."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lino Cayetano on Vivamax series Secrets of A Nympho: “May mga kuwento, lalo kung ang pinag-uusapan natin yung buhay talaga ngayon ng mga bata. Yung mundo na ginagalawan nila kapag college sila. Ang kalokohan na pinapasok nila. Na-realize ho namin na hindi makatotohanan yung kuwento natin kung walang sex, kung walang drugs, kung walang taking risks. So it’s as sexy as it needs to be."
PHOTO/S: Noel Orsal / Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results