Watch Now

Former Taguig City Mayor Lino Cayetano, ayaw na sa pulitika kaya balik-showbiz

Lino Cayetano, Rein Entertainment
"Isipin niyo ho, ABS-CBN pa ang sumuporta at tumulong sa amin. So, our first project was an iWant TV production, Bagman, na ngayon nasa Netflix na," sabi ni Direk Lino Cayetano (right). Sina Lino, Shugo Praico (left), at Philip King (center) ay co-founders ng Rein Entertainment production company. Sila ang nagprodyus ng mga digital series na Bagman at BetCin. Ang latest project nila ay ang MMFF 2022 entry na Nananahimik Ang Gabi.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Ayaw pa munang ipasulat sa amin ni Direk Lino Cayetano na isinumite ng Rein Entertainment ang script ng Nananahimik Ang Gabi bilang entry sa Metro Manila Film Fest (MMFF) 2022.

Bida rito sina Ian Veneracion at Heaven Peralejo.

Ang Rein Entertainment ay isang independent content creation at production company na binuo ni Direk Lino kasama ang kapwa writers at directors na sina Shugo Praico at Philip King.

Read: Lino Cayetano, tiniyak na may "sex and violence" ang pelikula nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo

Paliwanag nila, mahirap na't baka makaimpluwensiya pa raw sa Screening Committee kung ibabalita na ito.

Pero ngayong lumabas na ang balitang nakapasok ang Nananahimik Ang Gabi sa MMFF 2022, lalo silang na-excite at na-inspire na simulan na ito.

Read: Coco-Jodi, Vice-Ivana, Ian-Heaven, Joey-Toni movies pasok sa MMFF 2022

Bandang end of July na sila magsisimulang mag-shoot sa Tagaytay. Ilang araw na silang nag-workshop at nag-script reading, at ikinatuwa nila nang husto dahil perfect daw kina Ian at Heaven ang roles na gagampanan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Direk Shugo Praico, ilang beses nilang nakausap si Heaven at nakita nilang bagay talaga ito sa role.

"Habang nakikilala po namin siya, nakikita namin yung character, mas lalo pong na-affirm yung decision namin. Kasi, aligned na aligned po sa character. Sa beauty, the perspective sa mundo, sa paligid.

"We were so impressed. We spent mga three days with them, Ian and Heaven. Sobra kaming na-impress sa kanila," pahayag ni Direk Shugo.

Dagdag ni Direk Lino, "Yung thirst and hunger nila para makilala nang mas malalim yung material saka yung characters, nakakabilib."

Nananahimik Ang Gabi

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Direk Lino ay nanungkulan bilang Fort Bonifacio barangay chairman mula 2010-2013, Taguig Second District representative mula 2013-2016, at Taguig City mayor mula 2019-2022.

Sa ngayon ay wala nang balak si Direk Lino na bumalik sa pulitika. Gusto niyang mag-focus na sa paggawa ng pelikula.

Very positive siyang makababawi ang ating film industry at lalo itong makilala sa ibang bansa.

Ani Direk Lino, "I think nasa verge yung Philippine cinema, the Philippine entertainment industry of something very big. Hindi lang ho ito mangyayari sa isang araw, sa isang buwan, but this has been ongoing in the last few years.

"And I think in the next three five years, talagang mag-e-explode sa international scene yung Filipino cinema.

"Pero ang importante ho diyan ay magkaroon din ng pagkakaisa, that a lot of Filipino networks, Filipino filmamkers na nakikita natin ngayon na magsama-sama para magtrabaho, kapit-bisig para sa ikagaganda ng ating industriya, ‘no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, magtulungan and hopefully, make more movies, and tell more stories."

NOEL FERRER

Noon pa balak ni Direk Lino Cayetano na mag-venture sa film production. Masaya ako sa pagkakapasok ng project nilang Nananahimik Ang Gabi sa darating na Metro Manila Film Fest.

Even when the City of Taguig sponsored the MMFF three years ago, Lino has always helped the industry. Hanggang sa pagpapabakuna ng mga taga-industriya, tumulong din siya.

Masaya ako that good things happen to good people. Sana, simula na ito na pagbabalik ni Direk Lino sa mundong kinalakhan at minahal niya.

I will wait for that day that he will be back in directing soon. Matagal siyang nanahimik, ngayon ay active na naman, hindi lang ang gabi kundi ang mga araw ng ating Direk Lino! All the best!!!

JERRY OLEA

Balik-showbiz si Direk Lino Cayetano pagkatapos ng tatlong panunungkulan bilang mayor ng Taguig City.

Bago itong Nananahimik Ang Gabi, isa sa mga naunang proyekto nina Direk Shugo Praico at Direk Philip King sa Rein Entertainment ay ang two-season series ni Arjo Atayde na Bagman noong 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON ABS-CBN BACKING BAGMAN

"Tingin ko, yung Bagman was ground-breaking," kuwento ni Direk Lino sa pa-thanksgiving niya noong Hulyo 6, Martes, sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

Sa puntong ito, sinabi ni Direk Lino na ABS-CBN ang isa sa nagbigay-daan para maipalabas ang series na Bagman.

"So, we really want to thank ABS-CBN Dreamscape. Binigyan ho kami ng opportunity—kaming tatlong magkakaibigan na writers-directors from ABS-CBN—noong nagtayo kami ng maliit na production house.

"Isipin niyo ho, ABS-CBN pa ang sumuporta at tumulong sa amin. So, our first project was an iWant TV production, Bagman, na ngayon nasa Netflix na.

"And yun yung klaseng content na gusto ho namin gawin. Ang daming kuwento na gusto pa naming ikuwento at ibahagi.

"Alam ko, paulit-ulit na tayo sa rebolusyon, yung pagsabog ng industriya. But I think we really are on the verge na makita talaga ng buong mundo kung gaano kagaling yung talento ng Pilipino."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit ni Direk Lino ang ilan sa mga yumaong direktor na kilala sa paggawa ng dekalidad na Pinoy movies.

"Nagsimula na ho iyan a long time ago, ‘no? Ang titulo natin, [Lino] Brocka, [Ishmael] Bernal, nasa Cannes na ho iyan, pinapalakpakan na ho abroad.

"Pero parang siklo rin ho iyan. Siguro, napapanahon din ngayon na babalik yung atensyon ng mundo sa mga gawa natin.

"So ako, I’m excited to be part of the industry. Sana ho, tanggapin n’yo muli ako."

ON THE KIND OF FILMS LINO WANTS TO MAKE

Karamihan sa mga pelikula ng National Artists na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal ay kritikal sa mga kaganapan sa ating lipunan. Ganoong mga pelikula ang susundan niya?

"Sa akin naman, in terms of the world watching what we do," paglilinaw ni Direk Lino.

Idineklara rin ni Direk Lino na supporter siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at tila nagpahiwatig na hindi pagtuligsa sa gobyerno ang tema ng mga nais niyang gawing proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unang-una, ako ay supportive of the Marcos administration. Tingin ko, ang sambayanang Pilipino, kailangang suportahan kung sino man ang halal ng bayan.

"Importante yun. Pag successful ho ang ating Pangulo, successful ho tayo lahat. Hindi ho tayo magiging successful kung ang hindi natin binoto ay pipilitin natin na maging hindi successful sa mga gusto niyang gawin.

"We want our president to be successful. At maganda rin yung magiging epekto nun sa ating industriya.

"I think panahon pa ni Pangulong [Rodrigo] Duterte, ‘no, ang isa sa mga prayoridad niya ay talagang maging agresibo pagdating ho sa susubukang solusyunan yung mga problema natin. Mabilis na aksyon, matapang na solusyon.

"So, I think yun din ang trabaho natin, na bigyan ng spotlight yung iba-ibang mga isyu. Hindi naman laging seryosong isyu. Minsan ho, light, sa isang banda, nakakapagbigay rin ng entertainment.

"So, I think yun o yung unique position natin. Nakakapagbigay tayo ng spotlight sa iba’t ibang isyu, big and small, at the same time, entertaining the Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"And I think, yung unique perspective nga natin, yung industriya natin, ay napakatalentado ng mga Pilipino.

"And I think it’s really time, and time is coming when the world will be looking at us."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Isipin niyo ho, ABS-CBN pa ang sumuporta at tumulong sa amin. So, our first project was an iWant TV production, Bagman, na ngayon nasa Netflix na," sabi ni Direk Lino Cayetano (right). Sina Lino, Shugo Praico (left), at Philip King (center) ay co-founders ng Rein Entertainment production company. Sila ang nagprodyus ng mga digital series na Bagman at BetCin. Ang latest project nila ay ang MMFF 2022 entry na Nananahimik Ang Gabi.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results