Niño Muhlach, pinag-iisipan na ang selebrasyon ng 50th anniversary niya sa showbiz

by Jojo Gabinete
Oct 22, 2022
nino muhlach before and after
Dalawang taon at kalahati lamang ang edad ni Niño Muhlach nang mag-umpisa ang kanyang successful showbiz career noong 1973. Si Niño ang youngest millionaire noon dahil siya ang producer ng lahat ng kanyang mga pelikulang certified blockbuster at nakipagsabayan sa mga film project ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
PHOTO/S: File / @oninmuhlach on Instagram

Ipagdiriwang ng former child wonder na si Niño Muhlach ang 50th anniversary nito sa entertainment industry sa 2023 kaya pinag-iisipan na niya ang pagdiriwang na kanyang gagawin.

Dalawang taon at kalahati lamang ang edad ni Niño nang mag-umpisa ang kanyang successful showbiz career noong 1973.

Si Niño ang youngest millionaire noon dahil siya ang producer ng lahat ng kanyang mga pelikulang certified blockbuster at nakipagsabayan sa mga film project ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.

nino muhlach child wonder

Masuwerte si Niño sa tatay niyang si Alex Muhlach na tiniyak na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang kanyang panganay na anak sa pamamagitan ng pagtatatag ng kanilang sariling movie production, ang D’Wonder Films, at pagpapatayo ng El Niño Apartelle sa kanto ng N. Domingo Avenue at Banahaw Street sa Cubao, Quezon City.

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Niño noong Biyernes ng gabi, October 21, 2022, ikinuwento niya ang karanasang mag-shooting ng iba’t ibang mga eksena para sa limang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung may mga eksenang kukunan sa loob ng simbahan, limang beses na nagpapalit ng damit si Niño para sa mga eksena ng limang pelikula na sabay-sabay niyang ginagawa dahil ito ang naisip na paraan ng kanyang ama para hindi siya mapagod sa trabaho.

Ni minsan, hindi naramdaman ni Niño na biktima siya ng exploitation o child labor dahil sa mahusay at maayos na pag-aalaga sa kanya ng tatay niya.

Kahit puwede nang mamuhay nang komportable dahil malakas ang kanyang bakeshop at ensaymada business, tumatanggap pa rin si Niño ng mga movie at TV assignment dahil sa sobrang pagmamahal sa acting career niya.

Si Niño ang personal na namamahala sa kanyang bakeshop business na lalong lumakas sa panahon ng coronavirus pandemic kaya maraming tao ang natulungan niya.

“Nakakabenta kami ng 18,000 pieces ng ensaymada sa isang araw noong nagkaroon ng pandemic. Kapag Christmas season naman, umaabot sa 28,000 to 30,000 pieces sa isang araw ang mga naibebenta namin na ensaymada,” kuwento ni Niño tungkol sa ensyamada na produkto ng kanyang bakeshop na in demand din sa iba’t ibang bansa.

Bukod sa kanyang negosyo, mainstay si Niño ng Philippine adaptation ng South Korean series na Start-Up at siya ang gumaganap bilang ama ng karakter ni Jeric Gonzales.

Tinanggap ni Niño ang alok ng GMA-7 kahit hindi siya ang original choice dahil sa kagustuhan niyang muling umarte sa harap ng kamera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento niya, “Originally, si Jojo Alejar ang dapat daw na gaganap na husband ni Lovely Rivero at tatay ni Jeric Gonzales.

“Pero may ibang priority si Jojo, may show siya sa isang television network kaya the role was offered to me.

“Akala ko nga, lock-in ang taping, pero hindi naman pala so I accepted it.

“Enjoy naman ako sa role ko kasi if you watch the original version, yung tatay lang ang nagko-comedy, so bumagay naman sa akin.

“It was nice to work with the new actors like Jeric na sobrang bait na bata. Sabi ko sa kanya, huwag lalaki ang ulo niya kapag sumikat na siya dahil kapag nangyari yun, ako ang unang magpapaalala sa kanya.”

Ang Start-Up PH din ang reunion nila ng direktor na si Dominic Zapata.

“Masaya sa taping ng Start-Up dahil schoolmate ko noon si Dominic sa Don Bosco Makati. Scout master ko siya noong Boy Scout ako sa high school,” sabi ni Niño.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dalawang taon at kalahati lamang ang edad ni Niño Muhlach nang mag-umpisa ang kanyang successful showbiz career noong 1973. Si Niño ang youngest millionaire noon dahil siya ang producer ng lahat ng kanyang mga pelikulang certified blockbuster at nakipagsabayan sa mga film project ng King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
PHOTO/S: File / @oninmuhlach on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results