Alfred Vargas, nag-celebrate ng 43rd birthday kasama ang pamilya at mga kadistrito

by Jojo Gabinete
Oct 25, 2022
alfred vargas family
Alfred Vargas: "Forty-three na ako and I’m so looking forward to the next chapter of my life as father, husband, public servant, advocate, businessman, student, and many more. Super grateful ako kay God."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial on Instagram

Sandali lamang ang partisipasyon ni Quezon City District V Councilor Alfred Vargas sa Unica Hija kaya wala siya sa digital media conference ng bagong afternoon drama series ng GMA-7 na naganap ngayong Martes ng gabi, October 25, 2022.

Isang Filipino scientist na nagtagumpay sa proyektong human cloning ang karakter ni Alfred sa Unica Hija.

Kahit maiksi ang role, isa ito sa mga itinuturing niyang pinakamaganda sa mga karakter na kanyang ginampanan.

“Ang ganda ng role ko sa Unica Hija,” sabi ni Alfred nang makausap siya ng Cabinet Files.

Bukod sa role na kanyang ipinagmamalaki, ikinuwento ni Alfred na masaya ang ilang araw na taping nito para sa Unica Hija dahil mababait at propesyunal ang lahat ng mga artistang kasama niya.

Kahapon, October 24, ang ika-43 kaarawan ni Alfred. Ipinagdiwang niya ito sa piling ng kanyang pamilya at constituents sa District V ng Quezon City.

Bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan ang pag-uulat ni Alfred sa mga kadistrito nito ng mga accomplishment niya bilang konsehal ng District V sa loob ng isandaang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ng actor-politician, “We have this yearly thing called SODA or State of the District Address. Kasama ko ang kapatid ko na si Congressman PM Vargas.

“Nag-birthday lunch fellowship kami with some 400 leaders of our district who attended the SODA. Super happy sila ‘coz marami na kaming nagawa in just 100 days.

“Matagal nang may request sa akin to do live kaya nag-online birthday celebration na rin ako. Ang daming bumati sa akin kaya tuwang-tuwa ako."

Patuloy niya, “After ng Facebook Live, hindi mapakali si Cristiano [his youngest child] dahil gusto niyang lumabas. Nilambing niya ako kaya hindi ako nakatanggi.

“Nag-grocery kami ng family para lang mailabas ang mga bata. Wala naman kasi talaga akong plano na iba for my birthday, pero tuwang-tuwa ang mga bata habang nasa grocery kami.

“Naglambing si Cristiano na ibili siya ng dinosaur pero ang ditse niya, si Aryana, ang bumili for him using her own money.

"Then, after nun, simple family dinner lang and blow ng cake,” kuwento ni Alfred nang kumustahin namin ang pagdiriwang niya ng kaarawan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kakaiba rin ang selebrasyon ni Alfred dahil mahigit sa dalawampu’t apat (24) ang bilang ng mga cake na kanyang natanggap.

“Ang daming kong natanggap na cakes! Happy ako nitong birthday ko.

"Forty-three na ako and I’m so looking forward to the next chapter of my life as father, husband, public servant, advocate, businessman, student, and many more.

"Super grateful ako kay God," saad niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas: "Forty-three na ako and I’m so looking forward to the next chapter of my life as father, husband, public servant, advocate, businessman, student, and many more. Super grateful ako kay God."
PHOTO/S: @alfredvargasofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results