Palaisipan sa karamihan ang hindi inaasahan na pagsasapubliko ni Sarah Geronimo ng paghingi ng tawad nito sa kanyang mga magulang na sina Delfin at Divine.
Ito ay makalipas ang mahigit sa dalawang taon na hindi niya pagsasalita tungkol sa tampuhan nila ng mga magulang.
READ: Sarah Geronimo to her parents: “Patawad po.”
Nag-ugat iyon mula sa desisyon nina Sarah at Matteo Guidicelli na magpakasal noong February 20, 2020.
READ: Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli love story: A timeline
May mga haka-haka na maaaring may kinalaman ang paghingi ni Sarah ng paumanhin sa kanyang mga magulang sa paglabas ng bagong single niya, ang "Cuore," at ang official music video ng "Dati-Dati."
Kahapon, October 29, 2022, ni-release ang music video ng "Dati-Dati" at noong October 27 ni-release ang "Cuore." Tila ang "Cuore" ay hango sa salitang Italian na ang English translation ay "heart."
Kahapon din, October 29, inilabas ni Sarah ang letter of apology niya sa mga magulang. Naka-off ang comments section sa kanyang post, na ngayong October 30 ay hindi na makikita sa kanyang Instagram feed.
Pero sa kabila ng mga espekulasyon, nangingibabaw ang paghanga ng netizens sa 34-year-old actress dahil sa ipinamalas nito na pagpapakumbaba at pagmamahal sa pamilya.
Trending ngayong Linggo, October 30, sa Twitter Philippines ang "#WeLoveYouSarah" bilang pagpapakita kay Sarah ng suporta ng mga tagahanga na bilib na bilib sa kanyang ginawa na paghingi ng tawad sa nanay at tatay niya.
Narito ang ilang reactions ng fans ni Sarah:

Sinabi ng fans ni Sarah na saludo sila sa kanilang iniidolo na Ultimate Pop Superstar dahil naging matapang ito sa pagtatapat sa publiko tungkol sa pangungulila niya sa kanyang mga magulang.
Pinuri rin nila ang transformation ni Sarah sa music video ng "Dati-Dati" na patunay na siya pa rin ang nangunguna na mang-aawit sa kanyang henerasyon.
Kaya umaasa sang fans na magtutuluy-tuloy na ang pagiging aktibo sa showbiz ng kanilang idolo.
Higit sa lahat, ipinagdarasal ng mga supporter ni Sarah na mangyari na ang pinakahihintay na reconciliation sa pagitan niya at ng kanyang mga magulang dahil ito na lamang ang kulang para maging kumpleto ang kaligayahan ng singer-actress.




Related stories