Lilipad sa New York City sa November 10, 2022 ang Reality MM Studios producers na sina Dondon Monteverde at Erik Matti.
Dadalo sila sa awards night ng 50th International Emmys na magaganap sa November 21, 2022 sa New York Hilton Hotel.
Nominado sa Best TV Movie or Miniseries category ng 50th International Emmys ang On The Job: The Missing 8, ang original series na mula sa direksyon ni Matti kaya importante sa kanila ni Dondon na makadalo sa gabi ng parangal.
Si Dennis Trillo ang isa sa mga bida ng On The Job: The Missing 8.
- PEP Spotted: Star-studded industry premiere of On The Job: The Missing 8
- Erik Matti 'breaks' Dennis Trillo's nose in On The Job: The Missing 8: "Yung mukha niya sobrang guwapo."
- Dennis Trillo on cloud nine over On The Job: The Missing 8's release in HBO Go
- Dennis Trillo, proud na Oscars entry ng Pilipinas ang On The Job: Missing 8
- John Arcilla pormal na tinanggap ang Volpi Cup sa Philippine premiere ng On The Job: The Missing 8
Kung hindi magkakaroon ng conflict sa taping ng Maria Clara at Ibarra ng GMA-7, gusto niya sumama sa New York trip nina Matti at Monteverde dahil malaking karangalan din sa kanya na nominado sa International Emmys ang kanilang pelikula.
"Hindi pa ako sure pero kung hahayaan ako ng schedule para makasama, why not, di ba?" sabi ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Nainterbyu ng PEP si Dennis sa industry premiere ng On The Job: The Missing, na ginanap sa Greenbelt Cinema 2, noong Biyernes, October 28, 2022.
Hindi basta makakaalis si Dennis ng bansa dahil sa taping ng Maria Clara at Ibarra, ang phenomenal prime-time drama series ng Kapuso Network.
TOP-RATING MARIA CLARA AND IBARRA
Incidentally, nabahala ang loyal viewers sa YouTube ng Maria Clara at Ibarra dahil hindi nila napanood noong Biyernes ang programa na kanilang sinusubaybayan.
"The video uploader don’t allow it in your country," ang nakasaad sa YouTube channel na binuksan nila.
Kaya naglabas ang GMA Network Inc. management ng anunsyo na simula bukas, Lunes, October 31, maaaring mapanood sa gmanetwork.com/kapusostream at sa GMA Mobile App ang livestream ng Maria Clara at Ibarra tuwing 8:00 p.m.
Magandang balita ito para sa viewers na hindi naaabutan sa telebisyon ang airing ng pinag-uusapan na historical portal drama-fantasy series.