PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Debbie Garcia files police report against Barbie Imperial

May kinalaman ba kay Diego Loyzaga ang engkuwentro nina Debbie at Barbie?
by Jojo Gabinete
Published Nov 1, 2022
debbie garcia barbie imperial
Vivamax sexy star Debbie Garcia (left) nagtungo sa police station ng Kamuning, Quezon City upang ipa-blotter ang pananakit umano sa kanya ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial (right).
PHOTO/S: @debsgarcia / @msbarbieimperial on Instagram

Hindi pa magsasalita ang Vivamax sexy star na si Debbie Garcia tungkol sa diumano’y pangangalmot at pananakit na ginawa ni Barbie Imperial sa kanya.

Bukas, November 2, 2022, pa lamang siya makikipag-usap sa kanyang abogado para sa legal na aksyon na gagawin niya.

Naganap ang insidente sa pagitan nina Debbie at Barbie sa Tipsy Pig Gastropub sa Timog Avenue, Quezon City, noong Biyernes ng madaling-araw, October 28.

Isang source ng Cabinet Files ang nagsabing ikinagulat nang husto ni Debbie ang inasal ni Barbie, na mahirap itanggi dahil nakunan ng CCTV at kumakalat na ang mga kopya nito sa social media.

Matapos ang pangyayari, nagsadya si Debbie sa police station sa Kamuning, Quezon City dahil ipina-blotter niya ang pisikal na pananakit umano sa kanya ni Barbie.

Sinabi ng Cabinet Files source na walang maisip na dahilan si Debbie para saktan siya ni Barbie, pero matatandaang pinagselosan ng Kapamilya actress ang Viva contract star noong magkarelasyon pa sila ni Diego Loyzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkasama sina Diego at Debbie sa The Wife, ang sexy-drama movie na nag-umpisa ang streaming sa Vivamax noong February 11, 2022. Tinampukan din ito nina Louise delos Reyes at Cara Gonzales.

Lumabas sa isang report (hindi ang PEP.ph) na tulad ni Debbie, contract artist si Barbie ng Viva Artists Agency. Pero wala itong katotohanan.

Gumawa lamang si Barbie ng isang proyekto sa Viva Films, ang Dulo, at si Diego ang kanyang kapareha.

Pero hindi umabot sa dulo ang relasyon nina Barbie at Diego dahil naghiwalay sila noong December 2021 habang patuloy ang streaming sa Vivamax ng kanilang una at huling pagsasama sa pelikula.

Read: Barbie Imperial confirms breakup with Diego Loyzaga; reveals love lesson learned

Samantala, nagpaabot na ng mensahe ang PEP.ph kay Barbie upang kunin ang kanyang panig sa isyung ito, ngunit wala pa kaming natatanggap na tugon.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vivamax sexy star Debbie Garcia (left) nagtungo sa police station ng Kamuning, Quezon City upang ipa-blotter ang pananakit umano sa kanya ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial (right).
PHOTO/S: @debsgarcia / @msbarbieimperial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results