PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paulo Angeles returns to school; showbiz not a lifetime career

"Alam naman natin ang buhay sa showbiz, hindi ito habambuhay. Hindi rin stable."
by Jojo Gabinete
Published Nov 21, 2022
paulo angeles suntok sa buwan
Paulo Angeles on why he does not see showbiz as a lifetime career: “Kung ang career ko, parang matataas na artists talaga, bakit hindi? Pero hindi naman ganoon ang career ko. Hindi naman ako nagpapaka-negative. Realistic lang."
PHOTO/S: @mpauloangeles on Instagram

Nilinaw ng dating Hashtags member na si Paulo Angeles na nagpapakatotoo lamang at hindi siya nagiging negatibo sa desisyon nitong ipagpatuloy ang pag-aaral dahil hindi niya nakikitang panghabambuhay na trabaho ang pagiging artista.

Hindi ilusyonado si Paulo dahil alam niya ang kanyang puwesto sa entertainment industry. Ibang-iba siya sa mga aktor na umaastang sikat kahit wala pang napatutunayan.

Pahayag niya sa panayam ng Cabinet Files, “Kung ang career ko, parang matataas na artists talaga, bakit hindi?

"Pero hindi naman ganoon ang career ko. Hindi naman ako nagpapaka-negative. Realistic lang."

Sigurado si Paulo sa kanyang mga salita dahil sa mga naranasan niya noong kasagsagan ng coronavirus pandemic.

“Alam naman natin ang buhay sa showbiz, hindi ito habambuhay. Hindi rin stable.

"Like nung pandemic, na-experience ko na three months, may trabaho ako, pero the rest of the year, wala.”

Paano ka naka-survive?

Sagot ni Paulo, “Suwerte ako, nandiyan ang mga magulang ko. Hindi naman ako nahiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang pride mo na yun na kumikita ka dati kasi nung nag-Showtime kami, Hashtags, yung time na yun, tuluy-tuloy.

“Para sa edad ko, malaki yung income, tapos nung natigil, nakakapanibago. Nakakalungkot na balik ka uli…

"Ako, umaasa sa magulang ko, pero okay lang, at least nandoon ang support nila.

"Ako na yung nag-decide na tama na muna, gusto ko na lang mag-aral."

Public Administration ang kurso ni Paulo sa Trinity University of Asia.

Binalikan niya ang pag-aaral noong nakaraang taon dahil sa kagustuhang matupad ang pangarap ng kanyang mga magulang na magkaroon siya ng college diploma.

Sampung taon nang artista si Paulo, pero nang itanong namin ang assessment niya sa kanyang showbiz career, ito ang sagot ng 25-ywar-old actor: “Hindi ko alam, e.

“Hindi ko naman masasabi na happy. Siyempre, lahat naman siguro ng mga artista, pinapangarap yung sa taas, pero masaya in a way dahil nabibigyan pa rin ako ng mga project.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Parang ang focus ko ngayon, yung pag-aaral ko. Tinatapos ko na lang ang Suntok sa Buwan, actually tapos na.

“Ayokong magsalita nang tapos, pero sa ngayon, gusto ko lang munang makatapos ng pag-aaral. Hindi ko muna tinitingnan yung gusto kong umangat.

“Dati ganoon ako, pero ngayon, gusto ko nang makatapos ng pag-aaral.

“Yung mga kapatid ko kasi, tapos na. Doktor yung isa, yung isa nagma-Master’s Degree.”

Ang Suntok sa Buwan ang sports drama series ng TV5 na pinangungunahan nina Aga Muhlach at Elijah Canlas na nagsimulang mapanood noong July 18, 2022 at malapit nang magwakas.

Read: Aga Muhlach, bakit napapayag gawin ang movie-seryeng Suntok Sa Buwan?

Ikinalungkot ni Paulo ang nakatakdang pagtatapos ng Suntok sa Buwan dahil napamahal na sa kanya ang production staff at co-stars niya.

Sabi ng dating talent ng ABS-CBN, “Ang Suntok sa Buwan ang memorable project ko. Dito ko na-feel… ang babait ng cast, staff, producer, at direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging komportable ako sa trabaho na natuturuan nila ako. Masaya sa set namin.

“Kalmado lang ang lahat ng mga tao. Nakasundo ko silang lahat. Nalungkot ako nang mabalitaan ko na matatapos na. Sabi ko, sayang.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paulo Angeles on why he does not see showbiz as a lifetime career: “Kung ang career ko, parang matataas na artists talaga, bakit hindi? Pero hindi naman ganoon ang career ko. Hindi naman ako nagpapaka-negative. Realistic lang."
PHOTO/S: @mpauloangeles on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results