PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tuesday Vargas: nang-isnab noon, inisnab ngayon

"What comes around goes around."
by Jojo Gabinete
Published Dec 6, 2022
tuesday vargas glamour
Tuesday Vargas: “I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata. Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makakabuti.”
PHOTO/S: Nice Print Photography

Ang hinaing ni Tuesday Vargas tungkol sa isang love team na hindi pumansin sa kanya nang bumati at magpakilala siya ang nagpaalaala sa amin ng sariling naming karanasan sa kanya noong 2004.

Tila pruweba ito na totoo ang kasabihang “What comes around goes around.”

Read: Tuesday Vargas snubbed by newbies: "...hinarangan ako kala magpapa-picture ako."

Nakilala namin si Tuesday sa press conference ng Liberated 2, ang pelikula ng Seiko Films na ipinalabas sa mga sinehan noong July 14, 2004. Pinagbidahan ito nina Diana Zubiri at Francine Prieto.

Isa si Tuesday sa mga suporta na artista sa Liberated 2.

liberated 2 poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit hindi bida, kinausap at isinulat namin siya dahil alam namin ang pakiramdam ng isang baguhang hindi masyadong napagtutuunan ng pansin ng entertainment writers.

Natuwa kami noon kay Tuesday dahil ganadung-ganado siya sa pagkukuwento tungkol sa mga karanasan at mga pangyayari sa kanyang personal na buhay.

Makalipas ang dalawang araw, muli kaming nagkita ni Tuesday sa isang showbiz event.

Pero tulad ng lyrics ng kantang "Sana’y Maghintay ang Walang Hanggan," parang hangin lamang kaming nagdaan dahil blangko ang kanyang reaksiyon nang batiin namin siya.

Naramdaman namin noon ang naging pakiramdam ni Tuesday nang akusahan nito ng hindi pamamansin ang love team na hindi pumansin sa kanya sa isang corporate event na hinost ng comedienne-singer.

Kung pag-iisipang mabuti, tila mas matindi ang ginawa noon ni Tuesday dahil mahirap arukin na sa unang pagkikita pa lamang, buong pagtitiwala na ikinuwento sa iyo ng isang tao ang mga nangyayari sa kanilang personal na buhay, pero nang sumunod na araw, hindi ka na niya kilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinarating kay Tuesday ng isa sa mga co-star nito sa Liberated 2 ang aming reklamo kaya nang muli kaming magkaharap, siya naman ang lumapit. Pero ibinalik namin sa kanya ang ginawa niya noong magkita kami sa isang showbiz event — parang hangin lang din siyang nagdaan sa aming paningin.

Labing-walong taon na ang nakalilipas mula nang mangyari ang insidente at maraming beses nang nagkrus ang landas namin ni Tuesday sa mga press conference at maging sa branch ng isang bangko sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City, pero hindi namin siya binabati dahil sa leksiyong itinuro niya.

Alam ni Tuesday na may mga pagkakamali siya noong kabataan niya.

Malinaw ito sa bahagi ng kanyang social media post nitong Lunes, December 5, 2022, kaugnay ng pang-iisinab na naranasan niya mula sa love team na hindi niya tinukoy.

Pahayag ni Tuesday: “I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makakabuti.”

Hindi nag-iisa si Tuesday o ang love team na inirereklamo niya dahil marami ang mga artistang nakatikim ng popularidad at mga papuri ang nalunod sa kanilang mga panandaliang kasikatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Base sa mga personal na karanasan, mapatutunayan ng mga miyembro ng entertainment press na ang mga artista na hindi namamansin noong kasikatan nila ang nauuna ngayong bumati sa mga reporter na kanilang nakakahalubilo.

Bakit?

Simple lang ang sagot: wala nang dahilan para magmalaki sila dahil naglaho na ang ningning ng kanilang mga bituin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuesday Vargas: “I have been through a lot as well in my 20 years in showbiz kaya ako nagpapangaral sa mga bata. Ako mismo received a lot of criticism on my behavior in the past and when people keep me in check, it is an opportunity to become better. Focus tayo sa bagay na makakabuti.”
PHOTO/S: Nice Print Photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results